“Ang kapal mo din talaga, ’no? Yaya ka lang dito pero heto at nakikisali ka sa family bonding nila. Wala ka na ba talagang delikadesa?” mahinang wika ni Alexa, pilit pinipigil ang panginginig ng tinig habang dahan-dahang nagsasalin ng orange juice sa baso. Nanginginig ang mga kamay nito sa galit. Silang dalawa na lang ang naiwan sa gazebo dahil naliligo na sina Bryce at Caitlyn. Ang mag-asawa naman ay nakatambay malapit sa pool, abalang pinanonood ang kanilang anak at apo. “Ano ang magagawa ko, inimbita ako ng pamangkin ng boyfriend mo. Alangan namang tanggihan ko siya, hindi ba? Chance ko na ’to para ipakitang muli ang alindog ko kay Bryce,” katwiran niya, naglalaro ang mapang-asar na ngiti sa mga labi. Kibit-balikat na isinubo niya ang hotdog na kinakain at nakangising sinulyapan s

