Tahimik at malungkot na pinagmamasdan ni Bryce ang mga magulang na nakaratay sa kama. Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto. Napalingon siya at namilog ang mga mata pagkakita sa pamangkin. “C-Caitlyn, w-what are you doing here?” garalgal ang tinig na tanong niya sa bata. “Granny... Grandpa...” mahina ngunit puno ng emosyon ang tinig ni Caitlyn habang nakatayo sa may pintuan, nakatingin sa mga magulang niya. Agad na nangilid ang mga luha nito bago humakbang palapit sa kinaroroonan ng ina niyang si Josalyn Fischer. Nanginginig ang mga balikat nito habang mabagal na naglalakad palapit. “Caitlyn, a-ano’ng ginagawa mo rito? Paano ka nakarating dito?” Ulit nito sa tanong kanina, bakas pa rin sa mukha ang gulat at pagtataka. Ngunit hindi kumibo si Caitlyn. Nakatingin laman

