“Ikaw talagang bata ka! Kaya hindi kayo nagkakasundong mag-iina kasi puro kalokohan na lang ang ipinapakita mo sa kanila.” Sermon ni Nana Cedes sa kaniya matapos mag-walk out nina Alexa at Bernice. Bahagya pa siya nitong hinampas sa balikat.
“Hayaan n’yo po sila, Nana. Kahit naman magpakabait po ako hahanap at hahanap pa rin sila ng dahilan para awayin at pagmukhain akong masama,” balewalang sagot niya bago nagkibit-balikat.
Kung noon ay masiyado siyang naaapektuhan kapag pinagkakaisahan siya ng Mommy at kapatid niya, ngayon ay wala na siyang pakialam. Matagal na niyang tinanggap sa sarili na hindi siya itinuturing na anak ng kaniyang ina o mas tamang sabihing hindi pamilya ang turing nito sa kaniya.
Humugot ng malalim na paghinga si Nana Cedes saka muling nagsalita, “Ayaw kong nakikitang ginaganiyan ka ng Mommy mo. Ako ang nagpalaki sa ’yo, masakit para sa akin ang ginagawa niya.” Ginagap nito ang kamay niya saka mahinang pinisil.
“Mula pagkabata hindi na maayos ang trato niya sa akin, Nana. Hindi pa po ba kayo nasanay?” Mapait siyang napangiti.
“Pero–”
“Huwag n’yo na po akong intindihin. Sanay na po ako.”
Muling napabuntong-hininga si Nana Cedes. Nagpakawala siya ng isang tipid na ngiti at binalingan ang pamangkin ng kaniyang yaya na si Mary.
“Mary, may mga dala nga pala akong damit para sa ’yo. Hintayin mo ’ko dito, kukunin ko lang sa itaas,” untag niya sa dalagita na abala sa pagpapatas ng mga gulay sa ibabaw ng kitchen counter.
Tuwing bakasyon ay pumupunta dito ang dalagita at tumutulong sa Tita Cedes nito para may pangbili ng mga gamit para sa pasukan. Ulila na ito sa ama kaya upang makatulong sa ina ay nag-e-extra ito sa kanila para magkaroon ng extra na pera.
Lumingon sa kaniya si Mary. “Salamat po, Ate,” ani nito saka ngumiti.
Umakyat siya kuwarto niya, kinuha ang isang paper bag na naglalaman ng mga damit na para kay Mary.
Gustong-gusto niyang maka-bonding ang nakababatang kapatid. Pero dahil laging magkadikit si Alexa at ang kanilang ina kaya hindi siya nagkaroon na pagkakataong mag-bonding sila. Tila kusa din nitong inilalayo ang loob sa kaniya. Kaya kapag nandito si Mary ay sinusulit niya talaga at dito niya ibinubuhos ang pagmamahal na para sana sa kaniyang kapatid.
“Ate Beng, ang dami naman po nitong pinamili mo. Nakakahiya po,” ani Mary matapos niyang ihatid ang mga damit sa kuwarto ng mag-tiya. Tila atubuli itong tanggapin ang mga bigay niya.
“Huwag mong tatanggihan ’yan.” Giit niya sa dalagita. “Sige na, makikitulog muna ako dito sa kuwarto ninyo. Huwag mo muna akong istorbohin,” kapagkuwa’y tinalikuran niya ito.
Dinampot niya ang teddy bear na regalo sa kaniya ni Nana Cedes. Nahiga siya sa kama saka pumikit. Siguradong mahabang diskusyon na naman bago tanggapin ni Mary ang regalo niya kaya nagpaalam na siya na magpapahinga muna para matakasan ito at hindi na matanggihan ang mga damit na bigay niya dito.
“Si Ate talaga! Tinulugan na naman ako para hindi na ako makatanggi sa bigay niya,” napapakamot sa ulo na sambit ng dalagita.
Lihim siyang napangiti. Balak niyang magpahinga muna ng ilang minuto. Alam niyang mamaya ay darating si Bryce. Tuwing sabado ng tanghali ay sa bahay nila kumakain ng tanghalian ang binata.
’Yun lang ang pagkakataon para makasabay niya ito sa pagkain kahit na puro naman kay Alexa nakatuon ang atensiyon nito. Gusto niyang maging fresh naman kahit papano kapag muli niya itong makaharap mamaya.
Matapos niyang marinig ang pagsara ng pinto ay dinampot niya ang cellphone sa ilalim ng unan. Alas otso pa lang ng umaga, nag-alarm siya bago mag-ika siyam. Sapat na ’yon sa kaniya para makapagpahinga kahit papano.
Gusto niyang tumulong kay Nana Cedes sa kusina kaya aagahan niya ang gising. Gustong-gusto niyang magluto tuwing naririto siya. Ayaw siyang patulungin ng kaniyang yaya pero nagpupumilit siya dahil gusto niyang matuto.
“O, Blaire, an–” Agad na nabura ang matamis na ngiti sa labi ng kaniyang ina matapos mapagmasdan ang kaniyang suot. Nangunot ang noo nito at pilit na itinatago ang disgusto sa mga mata.
Maging si Alexa ay hindi rin nagustuhan ang kaniyang suot nang lumingon sa kaniya. Dumaan ang talim sa mga mata nito at nababahalang tumingin kay Bryce na nakatalikod sa kaniyang direksiyon.
Tumayo ang kaniyang ina. Nagmamadaling lumapit sa kaniya bago pa siya makarating sa lamesa sabay haklit sa kaniyang braso. “Ano ba ’yang itsura mo? Nandito ang fiance ng kapatid mo. Mahiya ka naman! Sana naghubad ka na lang,” halos pabulong na wika nito sa nanlilisik na mga mata.
Kulang na lang ay maglabas ng apoy ang mga mata nito. Ramdam niya ang pagbaon ng mga kuko nito sa kaniyang balat sa sobrang diin ng pagkakahawak sa kaniya.
“Sige po, babalik muna ako sa kuwarto–maghuhubad.”
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak ng kaniyang ina. Tatalikod na sana siya pero agad siyang pinigilan nito.
“Nababaliw ka na ba talaga?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Pagod na akong i-please kayo. Isusuot at gagawin ko kung ano ang gusto ko at wala kayong magagawa. Kahit naman gumawa ako ng mabuti, hahanap at hahanap pa rin kayo ng mali.”
Matapang niyang sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Bernice. Nilampasan niya ito at taas-noong lumapit sa lamesa. Umikot siya at tinungo ang bakanteng upuan na nasa tapat ng fiance ng kaniyang kapatid.
“Hi Bryce!” maarteng bati niya sa binata.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya ngunit mabilis ding napayuko. Napangiti pa siya nang makitang ikinuyom nito ang kamao na nasa ibabaw ng lamesa pagkakita sa kaniya.
Hindi muna siya naupo upang makita nito ang kaniyang alindog. Hapit na hapit ang suot niyang p*kpek shorts kaya bakat na bakat ang matambok niyang pagkab*b*e. Maging ang tayong-tayo niyang n*ppl*s ay bakat din sa suot niyang puting sando. Sinadya niyang hindi magsuot ng bra para ipaalala sa binata ang mainit na pinagsaluhan nila kagabi.
Nakita pa niya ang matalim na sulyap sa kaniya ng nakababata niyang kapatid bago siya naupo.
“Kain na tayo,” ani ng kanilang ina, pilit pinasigla ang tinig.
Ayon kay Nana Cedes, hindi daw makakasabay sa kanila ang ama nila ni Alexa dahil kulang daw ang tao sa grocery store na negosyo ng kaniyang ama.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang biglang magsalita ang kaniyang kapatid.
“Babe, bakit pala hindi kita ma-contact kagabi? Ilang ulit akong tumawag pero unattended ang cellphone mo,” malambing na tanong nito sa lalaki.
Nasamid ang binata at sunod-sunod na napaubo kaya hindi kaagad ito nakasagot. Mabilis nitong dinampot ang isang baso ng tubig saka uminom.
“Ayos ka lang, babe?” may pag-aalala sa boses na tanong ng kaniyang kapatid habang marahang hinahagod ang likod ng lalaki.
“Y-Yes babe, I’m fine. S-Sorry kung hindi ako nakapag-update sa ’yo. I was just busy last night. Hindi ko napansin na low battery na pala ang cellphone ko,” sagot nito, hindi makatingin sa kapatid niya ng diretso.
Lihim siyang napangiti matapos marinig ang paliwanag ng binata na wala namang katotohanan.
Hindi niya akalaing ’yung lalaking una naghandog ng pag-ibig sa kaniya ay ikakasal na sa kapatid niya makalipas ang tatlong taon. Wala siyang ideya kung bakit hindi ito sumipot sa tagpuan nila. At magmula noon ay hindi na niya ito muling nakita. Kahit ang makipag-communicate man lang sa kaniya ay hindi nito ginawa.
Nasaktan siya nang makita ang mga ito na magkasama. Subalit kalaunan ay maluwag niyang tinanggap sa puso ang mga nalaman lalo na nang makita niyang masaya ang binata sa piling ni Alexa.
Wala na sana siyang balak guluhin ang dalawa, ngunit natuklasan niya ang panglolokong ginagawa ng kapatid sa lalaking hanggang ngayo’y laman pa rin ng puso niya.
Kaya nagpasya siyang akitin at paibigin ang binata. Hindi din naman nagkakalayo ang itsura nila ni Alexa. Kung ganda ang pag-uusapan, parehong walang itulak-kabigin sa kanilang dalawa.
Pareho silang may makinis at maputing balat na minana nila sa kanilang ama na may lahing banyaga pero dito na ipinanganak at lumaki sa Pilipinas.
Halos lahat ng katangian ng kanilang ama ay namana nilang dalawa. Mula sa kulay ng balat, abuhing mga mata at pati na din ang hugis ng kanilang ilong. Ang pinagkaiba nga lang ng kanilang itsura ay ang kulay ng kanilang buhok pati na din ang pagkakaroon niya ng malalalim na dimples. Itim at unat ang kaniyang buhok samantalang ang kapatid naman niya ay blonde at kulot ang dulo.
Kung sa height naman ay halos magkasingtangkad lang sila. Limang talampakan at anim na pulgada ang height niya, mas matangkad lang ng dalawang pulgada si Alexa. Medyo chubby nga lang ang kapatid niya habang siya ay balingkinitan ang katawan. Pareho din silang mabalakang. Sa d*bdib lang sila nagkatalo, malulusog ang kaniya samantalang halos wala namang natatakpan sa kapatid kapag nagsuot ito ng bra.
Pero never siyang naging proud sa pagkakaroon ng malamang d*bdib. Ramdam kasi ng kanilang ina na insecure ang paborito nitong anak sa kaniya kaya madalas siyang sabihan nito ng, “Kung ano ang inilaki ng d*bdib mo kabaliktaran naman ng laman ng utak mo.”
Mula pagkabata ay laging may parangal na natatanggap si Alexa. Gano'n din naman siya. Pero kahit pareho silang nagsisikap sa pag-aaral, mas napapansin at mas proud ang kanilang mga magulang sa kapatid niya kaysa sa kaniya kaya nawalan siya ng ganang mag-aral nang mabuti. Makapasa lang siya ay sapat na sa kaniya.