Matias POV. “TANGINA!” Malakas kong sigaw bago ko ibinato sa pader ang hawak kong baso. “Bigg Boss, pinatawag mo raw ako?” Napalingon ako kay Vier. Isa siya sa pinakamagaling kong tauhan. Hindi lang basta tauhan, kaibigan ko rin siya. May sikreto tungkol sa kanya. Hindi siya kilala ni Gladerious. Isa siya sa mga private assassin na nagsisilbing protektor ko. “Sundan mo si Gladerious,” utos ko. “Huwag mong aalisin ang mga mata mo sa kanya. At siguraduhin mong lagi siyang ligtas.” “Copy, Bigg Boss. Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako.” “Go.” Pagkaalis niya, naglakad ako patungo sa makitid na hagdanan. Bago ako umakyat, ni-lock ko muna ang pinto. Pagpasok ko sa silid, nadatnan ko ang bihag na nakaupo habang nakayuko. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Ang lalaking ito ang

