Gladi POV. “AVVI!!” Malakas akong sumigaw. Galit na galit ako. Hindi talaga nagkamali ang pakiramdam ko, ako pala ang hindi papalabasin sa basement na ito. Akala ko may kasama kaming bihag. Ako pala ‘yon. ‘Wag lang talagang magpapakita sa’kin ang lalaking ‘yon. Kahit siya pa ang amo ko at Bigg Boss ng lahat, makakatikim talaga siya sa’kin! “Avvi!!!” Muli akong sumigaw. Pero walang sumasagot. Nasaan ba ang babaeng ‘yon? Hindi pa nga stable ang lagay niya, pero bakit parang wala siya dito? Teka lang… may kasama ba talaga ako dito? O baka naman multo lang ang akala kong mga taong naririto? Bigla akong kinabahan. Agad akong tumakbo. Baka mamaya, may bigla na lang lumitaw na malaking mata sa dilim… o kalahati lang ang katawan. Napahiyaw ako nang may mabungguan akong puting bag

