Gladi POV. PAGSAPIT ng gabi, nakasakay na kami sa pribadong eroplano ni Master M. Tahimik lang ako. Ayokong malaman ng mga kapwa ko trainee ang tungkol sa aming dalawa, kaya sinadya kong dumistansya sa kanya. Lagi akong nakadikit kay Avvi para wala siyang pagkakataong lapitan ako. Ngunit tila laging nasa kanya ang pagkakataon. Nang makatulog na ang lahat, bigla na lang niya akong hinila palabas ng private room ni Avvi. Akmang magrereklamo na sana ako nang unahan niya ako. “Sige, mag-ingay ka. Nang malaman ng lahat ang tungkol sa atin.” pananakot niya. Napairap ako. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Kung hindi lang siya ang Bigg Boss ng lahat, kanina ko pa siya nasipa sa pinakamahalagang parte ng katawan niya. Parang gusto niya siya lagi ang bida, samantalang siya naman ang lagi

