Gladi POV. Ang nakakainis, si Master M at Mr. Edmund ang mahilig sa babae pagkatapos kami ni Avvi ang pinagbibintangan na nagkakagusto sa ibang lalaki. Anong akala ng dalawang ito, dahil amo sila maaari nilang gawin ang bawat naisin? Malakas kung tinulak si Master M, sapagkat walang ginagawang masama si Edzel upang saktan niya. Isa pa ito ang nag-hire sa dalawang lalaki na sina Edzel at Mr. Santi upang subukan kaming dalawa ni Avvi. “Tama na!” Bago pa muling gumalaw si Master M at si Mr. Edmund… ako na ang kumilos. Muli kong itinulak ng malakas. Diretso sa dibdib ni Master M. Napaatras siya, halatang hindi inaasahan ang ginawa ko. Tahimik ang paligid, pero ang dibdib ko… halos pumutok sa galit. “Anong ginagawa mo?!” mariin kong sabi, nanginginig ang boses ko, hindi sa takot, kun

