Matias POV. Alam kong naroon si Gladerious, kaya hinayaan ko si Orange sa paghawak at pagyakap sa akin. Gusto kong makita paano siya magselos, at may mapatunayan ako sa aking sarili. Ngunit hindi ko inaasahan na kaya niyang manakit. Ang nagbigay ng kaba sa akin ay nang biglang hubarin ang engagement ring at malakas na ibinato sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kagalit. Kaya pagkatapos ng pag-uusap namin ni Orange ay pinaalis ko na agad siya dito sa bahay. Kahit marami pa siyang pagbabanta, hindi ko na pinakinggan pa, ang tanging nasa isipan ko ay si Gladerious. Nagmamadali ako sa paglalakad at hindi ko napansin si Mommy nakita pala niya ako. Malapit na ako sa pintuan ng silid ko nang tawagin niya ako. “Anong problema, at parang hindi ka mapalagay, Matias?” “Wala naman po, um

