EPISODE- 55

1515 Words

Gladi POV. Tiniis ko si Master M, hindi ko talaga siya kinakausap. At wala siyang pagpipilian kundi kausapin si Moley. At dahil doon nagkaroon ako ng pagkakataon na tawagan si Avvi, sinabi ko sa kanya na narito ako sa bahay bakasyunan. Nangako siya na darating, at sa kabayanan kami magkikita. Simula ng pumasok ako sa training bilang fighter nawalan ako ng takot sa mga taong nagtatangka sa akin ng masama. Kahit isang taon lang akong mahigit sa navy seal, sanay na rin ako sa labanan. Ang usapan namin ay after lunch, sapagkat manggagaling pa sa syudad ang kaibigan at ang bahay bakasyunan ni Master M ay narito sa malayong probinsya. Hindi naman mahirap kay Avvi, lalo at private chopper ni Mr. Edmund ang maghahatid sa kanya. Hindi rin ako naniniwala na hindi niya kasama ang lalaking ‘yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD