Gladi POV. Hindi na ako na sorpresa nang makita si Mr. Edmund na kasama ni Avvi. pagkatapos ko silang batiin ay umupo ako sa tabi ng kaibigan ko. Habang si Master M, at Mr. Edmund ay magkatabi sa upuan na nasa aming harapan. Panay ang kurot ko sa tagiliran ni Avvi, ang dami kong nais itanong sa kanya ngunit parang walang plano na umalis ang dalawang lalaki. “Avvi, halika samahan mo ako sa ladies room,” nakangiti kong hinila siya sa kamay. At alam ko hindi magagawang sumama ni Master M sa amin. Napangiti ako ng makitang sinundan niya kami ng tingin. Pagdating sa pasilyo hindi kami pumasok sa ladies room, may exit door sa kabilang side at agad kaming lumabas doon. “Bakit kasama mo si Bigg Boss, Glad? ‘Di ba ang usapan natin tayong dalawa lang?” tanong ni Avvi. “Eh, bakit kasama mo din

