EPISODE- 61

1141 Words

Gladi POV. Alam kong pansamantala lang ang kalayaan namin ni Avvi, kaya sinulit namin bawat segundo nito. Kilalang-kilala ko si Master M. Walang bagay na nakakalusot sa kanya. Kaya malamang… pinapabayaan lang niya kami. Binibigyan ng kaunting laya bago muling higpitan. Pero kahit gano’n, masaya ako. Kahit sandali lang at least nakakalimutan ang mga sakit na paulit-ulit niyang pinaparamdam. “Glad… sa palagay mo ba, hindi talaga tayo mahahanap nilang dalawa?” tanong ni Avvi, bahagyang may kaba ang boses. Sumulyap ako sa kanya at bahagyang ngumiti. “Oo. Nakita mo naman, hanggang ngayon, wala pa sila. Ibig sabihin, hindi pa nila alam kung nasaan tayo.” “Baka naman…” nag-atubili siya. “Pinagbibigyan lang nila tayo. Tapos bigla na lang silang susulpot… at paparusahan tayo ulit.” Hindi ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD