Gladi POV. Nananadya si Master M, talagang binabalandra pa ang babaeng ‘yon sa harapan ko. Iniisip yata na iiyak na naman ako sa harapan niya kagaya dati. Masyado na akong marami luha na nasayang noon simula ng mapunta ako sa puder niya. Kaya kung nakakaramdam man ako ng sakit sa ginagawa niya. Hindi ko hahayaan na makita pa niya. Malapit na ako sa kinaroroonan nila nang bigla niyang yakapin ang si Ms. Higad. Kaya binilisan ko ang lakad at nilampasan sila. Talagang doon pa mga lugar na dinadaanan ko sila nanglalandian. “Ano ba naman ang ginagawa ni Bigg Boss, talagang hantaran niyang pinapakita sayo. Mabuti kaya mong tiisin?” tanong ni Avvi. Syempre nasasaktan ako kaya lang kagaya ng lagi kong sinasabi nasanay na ako, ganyan naman talaga si Master M, simula pa noon. Kaya tama lang

