Chapter 2

1373 Words
“NO Dominique.” Nakanguso ako sa sinagot sa’kin ni Kobe. Nakafocus siya habang nagtatype sa laptop niya ng kung ano ano. “I just want to swim and have fun.” I was asking him to let me join the upcoming out of town of my fellow nurse to be. “This mansion have pools Dominique. You can swim there 24/7 if you want.” Sasagot na sana ako nang may kumatok mula sa pinto ng library. I walk towards the door and about to open it when he stopped me. “Don’t open the door without looking at the peephole.” Umiiling iling itong naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Kumabog ang puso ko nang maramdaman ko ang matigas niyang dibdib sa likod ko. Pinagmasdan ko siya habang sumisilip sa peephole. Grabe! Ang ganda ng jawline! “Si Sophia..” Gumalaw ang labi nito at lumingon sa akin. Nataas siya ng kilay na ikinaiwas ko ng tingin. Binuksan niya ang pinto at agad bumungad si Sophia na gulat na gulat. At palipat lipat ang tingin sa amin ni Kobe. “What do you want Sophia?” “Bakit kayo… magkasama?” Tanong niya na ikina-kunot ng noo ni Kobe. “May pinag uusapan kami. So what do you want?” “Ahh. I just want to ask some help. Si Rim kasi na sala naka plakda sa sahig.” Nakangiting sabi niya. Bakit si Kobe pa dapat katukin niya? “Why?” “Napaaway sa bar. You know naman. Maybe he saw Rese again with another man. Kaya naglasing.” Tumango si Kobe at pinuntahan si Rim. Sumunod naman si Sophia at ako. Pagkababa namin ay nakita ko agad si Rim na naka dapa sa sahig ng sala at may binubulong bulong. Napasighap ako ng bigla na lang siya sipa-sipain ni Kobe sa tagiliran. “Hey fucker.. Buhay ka pa ba?” Kobe asked. He crossed his arms and stared to Rim. I heard Sophia chuckled. “S-shi R-reshe! Tangina! Hinalikan n-niya yung l-lalaki!” Reklamo ni Rim na tumihaya. Puno ng galos ang mukha nito at may malaking punit ang damit sa may bandang dibdib. Kitang kita ko ang mahabang cut na siguro ay sanhi ng pointed object. “You’re a mess Rim. Kung pinaliwanag mo sana kay Rese ng maayos at hindi mo sinaktan. Gago ka din eh.” Kobe sat in the couch. He crossed his legs and arms. He’s like a king sitting on his throne. “Hay naku Rim! Kung sinabi mo sa kaniya ang totoo edi sana hindi ka nag iinarte diyan!” Umupo si Sophia sa tabi ni Kobe. Pinagpagan pa niya ang bandang balikat ni Kobe na hindi naman pinansin ng huli at pumikit na lang. Pinagmasdan ni Sophia ang nakapikit na si Kobe. Naiwan akong nakatayo at nagpasyang lapitan si Rim na naka dipa at nakapikit. Hinawakan ko ang damit niya sa bandang may sira at mas nilakihan ang punit niyon. Lumikha iyon ng tearing sound. Nanlaki ang mata ko nang makitang medyo malalim ang sugat niya. Agad kong dinukot ang puting panyo ko para punasan ang dugo sa gilid pero bigla na lang ako kinabig ni Rim payakap kaya napasubsob ako sa leeg niya.. “R-rese.. P-please come back to m-me.” Natulala ako sa gulat.. Napasighap ako nang biglang may humila sa akin patayo at inilayo kay Rim. His eyes is raging from anger. Nakaigting ang panga nito at namumula ang tenga. Lumingon siya kay Rim at bigla na lang itong hinila patayo at sinuntok sa mukha.. Napatili ako sa ginawa niya at agad namang lumapit si Sophia kay Kobe at hinawakan ang braso nito. Diba dapat kay Rim siya lumapit dahil si Rim ang nakasalmpak sa sahig. “Tangina! Bakit ka nanununtok!” Sigaw ni Rim “Ano lasing ka pa?” Malamig ang boses ni Kobe na nagsalita. “Tangina mo! Pwede mo naman akong buhatin na lang papuntang kwarto! Nanuntok ka pa!” Himutok ni Rim habang hawak ang pisngi. “Sophia! Tulungan mo nga ako!” Napailing si Sophia na lumapit kay Rim at inalalayan. Hinawakan ni kobe ang kwelyo ng leather jacket ni Rim at nagsalita. “Hindi mo pwedeng hawakan kung hindi mo pag aari. Isa pang yakap Rim. Puputulan kita ng daliri.” Kalmado pero ubod ng tigas na sabi ni Kobe. “Oh hell! Not my finger kobe. Papaligayahin pa si Rese nito.” Tumatawang linagpasan niya si Kobe. “Asa kang babalik pa sa’yo! Bitchesa iyon eh..” Dagdag ni Sophia. “Fucker..” bulong ni Kobe. Napatalon ako nang bigla siyang humarap sa akin. Kinakabahan ako sa mga titig niya. Wala mang emosiyon ‘yon pero nakakatakot ang aura niya. “And you..” tukoy niya sa’kin. “You don’t just touch someone’s body. Do you get it?” “I’m a nurse.” “I don’t care. Now go to your room and rest. Maaga ang graduation mo bukas.” Isang tango ang sagot ko at dali daling tumakbo paakyat. Napangiti ako ng isara ko ang pinto at tumalon talon sa kama. Naginit ang pisngi ko nang maalala ang reaksiyon niya nang yakapin ako ni Rim. Hindi ko alam kung bakit para akong kiti kiting kinikilig. --- “The event will start at 8:00 and we need to secure the area first. Each of you needs to check on your section to the perimeter between 7:00 and 8:00. Sophia I want two platoons and with a minimum member of five. 30 minutes before the event I want them to spread around. Rim you’ll check the car and make sure that It’s free from any explosive device. And lastly, keep your radio on. And keep safe. Now move!” Nagsitanguan ang mga tauhan niya at agad nagsialisan ang mga tao sa loob ng library kaya tumayo na ako. Six pa lang ng umaga at nakabihis na ako. Sasakay ako kasama si Kobe sa sasakyan nito. Mas malala pa ang bantay ko sa presidente. Grabehan! “Let’s go?” Tumango ako at lumakad papunta sa sasakyan niya. Nasa gitna na kami ng biyahe nang naisipan kong itanong ang kanina ko pa iniisip. “Kobe? Pa’no pala iyong speech ko sa stage?” Lumingon siya sa akin saglit at nag igting ang panga. “Drop it Dominique. Attending your graduation is too risky. Wag na nating dagdagan.” Tumango ako at yumuko. Pinagmasdan ko ang kamay kong nang may nilapag si Kobe do’n. Isang kwintas na may pendat na singsing na may diamanteng bato. “Isuot mo. That’s my gift. Congratulation sweetheart.” Naginit ang pisngi ko at agad sinuot iyon. Napangit ako nang maalala ko na tinatawag niya akong sweetheart dati. Nang makarating na kami sa venue ay agad akong bumaba ng sasakyan. Hinatid ako ni Kobe sa upuan ko at bumulong. “Nando’n lang ako.” Turo niya sa mga parents.. Ngumiti ako at umupo. Umalis na si Kobe at prenteng naka tayo. Nakaramdam ako ng discomfort kaya hinarap ko ang katabi ko na si Mia. “Mia restroom lang ako? Sama ka?” Mia's if one I considered as a friend. She always helps me everytime I'm in need. Umiling siya at ngumiti. “Go Dominique. I’ll stay here.” Tumango ako at naglakad papunta ng restroom. Nang makita ko ang hinahanap ko ay nagpasya akong pumasok. Nasa entrada pa lang ako ng CR ay bigla na lang isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Nanlaki ang mata ko at marahas na lumingon mula sa pagsabog. Natutop ko ang bibig ko nang makitang ang puting damit ng mga kapwa ko nurse na magtatapos ay may bahid na ng pula. I inhaled sharply as the realization hit me. Nanghihina akong lumapit sa nagkakagulong tao. Panibugho, sigaw ng takot, iyak, at hagulhol ang naririnig ko. Hinahanap ko ang katabi ko kanina. And there she is. Lying. Her white nursing uniform filled with blood. Another number of death because of me. Another lost because of me. Another… another tragedy because of me.. “Mia..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD