Chapter 5
Nagising ako na sobrang masakit ang kaliwang panga. Unti-unti akong bumangon dahil pati ang katawan ko ay nananakit rin. Tiningnan ko ang orasan at pasado alas diyes na pala.
Agad akong kumilos. Hindi na ako naligo pa at dumiretso na agad sa palengke. Nadatnan ko roon sina Buknoy at Bryce na nagtitinda na. Agad akong lumapit sa kanila.
"Bakit hindi niyo man lang ako ginising?" Inis na tanong ko sa dalawa.
"Insan, kung alam mo lang kung paano kitang gisingin kanina. Halos buhusan na kita ng mainit na tubig para lang magising ka. Pero wa epek! Tulog na tulog ka pa rin." Sagot ni Buknoy.
Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. Ni minsan ay hindi ako mahirap gisingin tuwing umaga. Pwera na lang kung talagang tamad na tamad akong bumangon.
Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Ang huli kong natatandaan ay naramdaman kong may sumusubo ng b***t ko at maya maya'y nawalan na ako ng malay. Ang mga sunod na nangyari ay hindi ko na rin natandaan pa. Iba rin ang pakiramdam ko ngayon. Piling ko ba'y para akong naka-droga, na parang lalagnatin. Halos maligo na ako sa pawis, at kanina pa rin ako tinitigasan.
Napalingon ako sa kapatid kong si Bryce at tahimik lamang ito at walang kibo. Animo'y may malalim na iniisip.
"Bryce, ginising mo rin ba ako kanina?" Tanong ko rito.
Agad namang tumango si Bryce. "Opo, Kuya. Kaso, mukhang naparami ka ata ng inom kagabi." Tipid na sagot nito.
Napatango-tango na lang ako. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko rin alam kung panaginip lang ba talaga ang mga 'yon. Pero pakiwari ko'y parang totoo.
Pero bakit tuwing lasing lang ako pinupuntirya ng estrangherong iyon? Natatakot ba siya na baka saktan ko siya kapag nalaman ko ang ginagawa niya?
Hindi ko na talaga alam. Sana nga'y nananaginip lang talaga ako.
~~~
"Insan, ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa matamlay. May sakit ka ba?" Nagtatakang tanong ni Buknoy sa akin.
Binaba ko muna ang hawak kong banyera bago lumingon rito. "Hindi ko nga alam, insan. Iba ang pakiramdam ko." Sagot ko rito.
"Ha? Paanong iba? May sakit ka ba?" Tanong nitong muli at sinipat-sipat pa ang leeg ko upang tukuyin kung may sakit ba talaga ako. Pero agad kong iniwas ang kamay nito sa leeg ko.
"Wala akong sakit. Iba lang talaga ang pakiramdam ko. Piling ko kasi'y naka-droga ako."
Nanlaki ang mata ni Buknoy sa sinabi ko. "Hindi nga? Tarantado ka, insan! Nag-shashabu ka ba?"
Agad ko 'tong binatukan sa ulo dahil sa sinabi nito. "Gago! Hindi ako nag-shashabu, 'no. Ang ibig kong sabihin, pagkatapos nating mag-inom kagabi, pagkagising ko'y iba na ang timpla ko. At saka, may aaminin rin ako sa'yo."
"E, ano 'yun?"
Lumapit ako ng bahagya kay Buknoy at bumulong. "Tuwing lasing kasi ako, may umaabuso ng katawan. Tatlong beses niya nang ginawa sa akin iyon." Pag-amin ko rito.
Muli na namang nanlaki ang mga mata ni Buknoy dahil sa mga isiniwalat ko.
"H-ha? Anong ibig mong sabihin, insan? May gumagahasa sa'yong babae?"
Napabuntong-hininga ako. "Sana nga'y babae na lang talaga. 'Yung pangalawang beses na ginawa niya sa akin iyon, nalaman kong lalaki pala ito dahil nakapa ko ang kanyang buhok. Hindi ko lang maaninag ang mukha nito dahil madilim sa kwarto ko. Tapos kaninang madaling araw, ginawa niya ulit iyon. Tinaon niya na namang lasing ako. Chinupa niya ako sa sala. Pero hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakasuot na ito ng maskara."
Hindi agad nakasagot si Buknoy. Tila ba nag-iisip ito. "Pero sa tingin mo, sino kaya ang pwedeng gumawa sa'yo n'un." Tanong nito.
Sa hindi malamang dahilan, bigla akong napalingon sa direksyon ni Bryce na kasalukuyang tumutulong sa amin sa paglilinis ng pwesto.
Napalingon rin si Buknoy sa gawi ni Bryce. "Ang kapatid mo?"
Mukhang narinig ata ni Bryce ang sinabi ni Buknoy kaya napalingon ito sa amin at nginitian kaming dalawa. Hindi ako sumagot sa ngiti nito. Bagkus, hinila ko si Buknoy sa likod ng sasakyan.
"Ano ka ba! Bakit ko naman pag-iisipan ng masama ang kapatid ko?" Saway ko rito.
"E, kasi naman, napalingon ka sa kanya kaya naisip kong baka si Bryce ang chumuchupa sa'yo tuwing lasing ka." Kamot-ulong sagot nito.
Napabuntong-hininga ako. "Sa ngayon, ayoko na munang isipin iyon. Umiwas na rin muna tayo sa pag-iinom ng alak. At saka, baka nagha-hallucinate lang ako sa dami nang iniisip ko. O, siya, bumalik na tayo sa ginagawa natin." Pagtatapos ko.
Hindi na muling nagtanong pa si Buknoy at bumalikna ulit kami sa aming ginagawa.
Pero naging palaisipan sa akin ang tanong ni Buknoy kanina na baka nga kapatid ko ang umaabuso sa akin.
Hindi rin naman malabong mangyari iyon dahil magkasama kami sa iisang bubong, at imposibleng si Buknoy iyon dahil madikit nga lang ang katawan naming dalawa'y diring diri na ito.
Pero sa isang banda, ayoko rin namang pag-isipan ng masama ang kapatid ko. Kami na nga lang dalawa ang mag-kapamilya.
Kahit labag sa kalooban kong manmanan ang mga kilos nito, kailangan kong gawin iyon dahil gusto kong mawala sa utak ko ang paghihinala ko sa kanya.
~~~
Kinabukasa'y lumuwas ako ng Maynila upang asikasuhin ang perang inipon ni Nanay sa bangko dahil sa pagtitinda nito ng isda.
Hindi ko alam na may malaking pera pa lang iniwan ang Nanay para sa akin. Simula kasi nang mamatay ang Tatay, nag-hirap na kami at tanging sa pagtitinda na lang ng isda kumukuha si Nanay ng pangkain namin sa araw araw.
Si Bryce ay may pasok ngayon. Sinabihan ko na rin ito kahapon na luluwas ako ng Maynila dahil may aasikasuhin ako.
Gaya nga ng plano kong matyagan ang mga galaw ni Bryce, wala naman akong nakitang kakaiba rito. Bukod sa napakatahimik lang nito at hindi masyadong nagke-kwento sa akin.
Medyo nakahinga ako ng maluwag roon. At saka, napaka-imposible naman kasi na si Bryce ang taong umaabuso sa akin. E, panigurado namang lalaking lalaki rin iyon. Medyo banidoso lang ito pagdating sa katawan niya.
Narito ako sa bangko ngayon at kasalukuyan nang inaasikaso ang perang makukuha ko na itinabi ni Nanay. Medyo malaki rin ang naiwang pera sa akin ni Nanay. Sapat na ito para sa pang-matrikula ni Bryce. Wala rin naman akong pang-gagamitan sa perang ito dahil sapat na ako sa kung ano mang meron ako. At saka, malaki rin naman ang kinikita ko sa pagtitinda ng isda.
Dahil maaga pa naman, naisipan ko munang gumala rito sa Siyudad. Matagal tagal na rin kasi noong huling beses akong nakatungtong rito. College pa ata ako noon at kasama ko ang mga kaklase ko.
Medyo pilyo rin ako noong kabataan ko. Madalas kaming magpunta sa Club ng mga barkada ko. Inom dito, bisyo roon. Minsan pa nga'y bumibili kami ng mga babae para lang pasayahin kami. Iyon 'yung mga araw na wala pa akong pakialam at todo waldas ako ng pera noon.
Pero ngayon ay iba na ang panahon. Hindi na ako gaya ng dati na padalos dalos ang mga desisyon sa buhay. Mula nang mamatay ang mga magulang ko, mas nakita ko ang kahalagahan ng pera. Lalo pa't meron akong kapatid na kailangang paglaanan nito.
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko sa paglalakad. Huminto ako saglit upang magpahinga. Ginala ko ang mga mata ko.
Ibang iba na ang Maynila ngayon. Mas marami ng istrukturang nagtataasan. Marami-rami na ring mga turista. Gusto ko tuloy dalhin si Bryce dito at igala siya. Di bale, kapag nagkaroon ulit ng oras, isasama ko ang kapatid ko.
Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni nang may tumabi sa kinauupuan ko. Agad naman akong umusog at napatingin rito.
Isa itong babae. Nakasuot ng maikling palda at puting tube naman ang pang-itaas. Hindi ito lumingon sa akin. Bagkus, kumuha ito ng sigarilyo at sinindihan. Nang bumaga na ang sigarilyo at binuga nito ang unang hithit, doon na ito napalingon sa akin. Bigla tuloy akong nahiya kaya nag-iwas ako ng tingin.
Maganda ang babaeng katabi ko. Maputi ito, itim na itim ang buhok at may kayumangging mata. Aakalain mong isa itong artista.
"Gusto mo?" Alok nito sa hawak niyang sigarilyo. Agad naman akong umiling bilang pagtanggi. "Wow! Good boy. Meron pa pala niyan dito sa Maynila. Panigurado, taga-probinsya ka 'no?" Panghuhula nito. Tumango naman ako bilang pag-sang ayon. "Sabi na, e! Pero in fairness, 'yung mukha mo ay pang-maynila. Gwapo ka at matipuno. Pwede kang model." Sunod na sabi nito.
Gaya kanina, hindi pa rin ako makatingin ng tuwid sa babaeng katabi ko. Tila ba nilamon na ako ng kahihiyan ko. Ni hindi ko nga magawang magsalita kaya puro tango na lang ang isinasagot ko rito.
Hindi naman ako torpe. May mangilan-ngilan na rin akong naging nobya. 'Yun nga lang, 3 o 4 na taon na ata ang nakakalipas mula nang magkaroon ako ng huling nobya. Simula kasi nang mawawala ang Tatay, katulong na ako ni Nanay sa pagtitinda sa palengke, kaya parang nawalan na rin ako ng amor noon na manligaw.
May mga umaaligid, at paminsan minsa'y napagbibigyan ng konting ligaya, pero hanggang doon lang iyon.
"Wala ka bang bibig?" Tanong ng estrangherang babae sa akin. Napatingin ako rito. Hindi ko naiwasang mapatitig ng matagal sa mga mata niya. Pero bago pa ako mahuli nito, agad akong nag-iwas ng tingin.
"Meron. Hindi ko lang kasi alam kung anong sasabihin ko sa'yo." Pag-sakay ko sa biro nito.
Huminga ng malalim ang babae at sabay itinapon ang hawak nitong sigarilyo. Pinihit nito ang kanyang katawan paharap sa akin. "Ako nga pala si Gelay." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay nito.
Hindi ko tinugon ang kamay nito. Bagkus, tumitig ako rito ng seryoso. Hindi ko lang kasi maisip na kaya nitong makipagkilala sa taong ngayon niya lang nakita. Lalo pa't babae ito.
"Ganyan ba talaga kayong mga taga-maynila? Paano na lang kung masamang tao ako?" Tanong ko rito.
Binaba nito ang kanyang kamay at biglang humagalpak ng pagtawa. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa ginawa nito.
"Ang funny mo, ah? Pero na-gets kita. Pasensya ka na, ganito talaga kami rito. Lalo na sa uri ng trabaho ko. Kahit pa kriminal ka, kung lamang tiyan ka, lulunukin na lang namin ang takot." Sagot nito sa tanong ko. Mas lalong kumunot ang noo ko. Tila napansin niya ata ang pag-iiba ng reaksyon ko kaya muli itong nagsalita. "Pa-walk ako. 'Yan ang tawag sa'min dito. If hindi mo ma-gets, e-explain ko sa'yo. Ibig sabihin, babaeng mababa ang lipad, Magdalena, call girl, pokpok. 'Yan ang mga lumang term na tawag sa amin. Gets mo na?" Paliwanag nito.
Natigilan ako sa mga sinabi nito. Para ba akong naestatwa dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Gelay.
Ni hindi ko naisip na iyon ang kanyang trabaho. Kahit pa sabihing medyo lantad ang suot nitong damit, hindi mo maaaninag sa katauhan nito na ganoong trabaho ang pinasok nito.
Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Nag-panggap ako na parang hindi nagulat sa mga sinabi ni Gelay.
"Pasensya na, pero hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo." Sagot ko. Akmang tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Gelay. Napalingon ako rito.
"Bakit? Sino bang may sabing papatulan kita? Alam mo, kahit na ganito ang trabaho ko, pinipili ko rin naman kung sinong mga lalaki ang papatulan ko. And sorry, hindi ka pumasa sa taste ko." Huling sabi nito bago naglakad palayo sa akin.
Naiwan akong tulala at walang nasabi. Parang muli akong nilamon ng kahihiyan.
Kaya naman hinabol ko ito para humingi ng tawad sa kanya. Gusto lang naman niya sigurong makipag-kaibigan, pero parang nahusgahan ko ata ang pagkatao ito.
"Sandali!" Sigaw ko nang maabutan ko ito. Napalingon naman ito sa akin. Unti unti akong lumapit sa kanya. "Pasensya ka na sa mga nasabi ko. Hindi ko gustong husgahan ang pagkatao mo." Paumanhin ko rito.
Huminga muna ng malalim si Gelay bago naisipang sumagot. "Pinapatawad na kita." Sagot nito. Parang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi nito. "Pero sa isang kondisyon," sunod na sabi nito.
"Ilayo mo ako sa lugar na ito." Dugtong nito.
~~~~