
Upang maipagpatuloy ang tradisyong kinabibilangan ni Elize ipinagkasundo siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa anak ng bussiness partner ng kanilang pamilya.
Normal na yun sa pamilya nila, Kaya walang naging pagtutol sa isip niya dahil halos lahat ng mga pinsan niya ay puro arranged marriage at nakita naman niyang successful ang kanilang married life.
Pero nagbago lahat ng pananaw niya ng makilala niya ang bagong transfer na estudyante ng Engineering Department si John Dave Madrigal
Alam niyang hindi siya dapat magka crush sa kahit na kaninong lalake dahil may nakatakda na siyang maging asawa pagdating ng panahong sinasabi ng mga magulang niya.Naging magkaibigan sila ng binata ,kaya parang lalong lumalim naramdaman niya sa binata.
At mukhang walang interes sa kanya ang binata dahil nalaman niyang may girlfriend na pala ito at hinintay na lang na maikasal sila ng girlfriend niya.
