THIRD PERSON POV Nasa loob ng kwartong inookupa nito sa loob ng mansyon ng kanilang ama si Lulu kasama ang kapatid na si Alice habang ikinukwento nito sa ate nito ang tungkol sa used boxer briefs na nakita nito sa loob ng guest bathroom. Lulu: I knocked on the door but no one was opening it. Sigurado akong may tao sa loob ng guest bathroom nang gabing iyon, Ate. Kumunot ang noo ni Alice dahil sa ikinuwento ni Lulu. Alice: Bakit hindi mo hinintay na lumabas 'yong tao mula sa loob? I mean, may hinala ka na, 'di ba? Nagkibit-balikat si Lulu. Lulu: I tried hanggang sa napagod na ako. It was already late in the evening at inaantok na rin ako nang mga oras na iyon. But I'm pretty sure someone was inside that room. Sandaling nag-isip si Alice bago muling nagsalita. Alice: Tinanong mo si L

