THIRD PERSON POV Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot si Leah habang niyayakap ng mahigpit ang kanyang sarili. Kanina lamang ay muntik na siyang bawian ng buhay kung hindi lamang dumating ang nurse na nag-aalaga sa kanyang asawa na si Winnie. Kanina ay pinangangapusan na ng hangin sa katawan si Leah habang mahigpit na nakapalibot sa kanyang leeg ang dalawang kamay ng taong nakaitim at nakasuot ng bonnet. Hindi kita ang mukha ng taong nanakit kay Leah dahil tanging mata lamang nito ang makikita sa suot na bonnet maliban pa sa madilim ang loob ng master's bedroom. Pinilit lumaban ni Leah sa taong nakasuot ng itim na leather jacket, itim na pantalon, itim na bonnet, at itim na cap sa pamamagitan ng pagkapit ng kanyang dalawang kamay sa mga bisig ng taong iyon para pigilan ito sa

