Tatlong araw na ang lumipas ngunit walang reply o tawag ang natanggap niya mula kay Aedan. Nag-aalala na siya rito dahil hindi niya ito ma-contact man lamang. Ano nga ba ang dahilan nito? Sinabi lang naman niya na buntis siya di ba? Karapatan rin naman talaga nitong malaman ang totoong kalagayan niya. Hinimas niya ang kanyang maliit na umbok sa tiyan. Baby, maghintay lang tayo sa daddy mo ha? Hindi naman tayo matitiis nun. Punong puno pa rin ng pag-asa ang puso niya sa presensya at atensyon ni Aedan.Naghihintay at umaasa pa rin siya na maaalala siya ng nobyo,. Alam niyang may sapat itong dahilan. Tumayo siya . Syempre hindi niya susukuan si Aedan. Pupuntahan pa rin niya ito sa office . Ipaglalaban niya ang pagmamahal na nararamdaman para sa nobyo. Hindi pa nga siya buntis ay nailaban

