Chapter 33- Out of reach

2006 Words

" What happened to your eyes? Umiyak ka na naman ? " Nagulat pa siya nang maabutang nasa pintuan ang Kuya Adrian niya. " Wala, napuwing lang ako!" " Sigurado?" " Oo Kuya, ano ka ba? Bakit ka ba nandito? Akala ko ba aalis ka na naman?" pilit siyang ngumiti sa Kuya Adrian niya para mawala ang hinala nito sa kanya. " Hindi natuloy, baka sa susunod pang araw. Saan ka ba galing?" " Nagsimba lang," pagsisinungaling niya. " Kumain ka na ba? I think mas pumapayat ka,"pansin nito. " Ganito lang naman talaga ang katawan ko Kuya di ba? Kailan ba'ko pumayat?" aniya. " Halika na, sabayan mo ko, para may gana akong kumain."anito," Nagpaluto ako ng biko, " " What's biko?" " Huwag ka nang magtanong, basta masarap 'yun. Espesyal na kakanin yan sa Probinsya!" " Wow, mahilig ka na ngayon sa mga k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD