Naitutuop niya ang kanyang bibig nang makita ang dalawang pulang guhit sa dalawang kit na binili niya. Kahit na may hinala na siyang buntis siya ay iba pa rin ang pakiramdam kapag na kumpirma na niya kanyang pagdadalang tao. " Mg g*d!" Naibulalas niya sa sandaling 'yon. Muli siyang nahiga sa kama niya. Napakabata pa niya para mabuntis, yes she's just on her twenties pero ang batang ito ay susi upang makuha niya mismo ang kanyang lalakeng minamahal. " Anak, sa wakas makukuha na natin ang daddy mo. Mapapasaatin na siya, hindi naman nabubuntis ang asawa niya." Natatawa siya habang iniisip ang bagay na 'yon. Hindi na siya makapaghintay pa na sabihin kay Aedan ang pagbubuntis niya. Magkakaanak na sila, bunga ng kanilang pagmamahalan. Kaagad niyang naisip si Diane. Ito ang unang dapat na mak

