" Mamimiss kita, mag-ingat ka palagi ah?" naiiyak niyang sambit sa kaibigang si Diane. Ngayon ang flight patungo sa ibang bansa. Nakakalungkot ang pag-alis nito ngunit alam niyang makakatulong iyon sa pag move on ng kaibigan. " Ikaw rin, mukhang ikaw ang dapat mag-ingat. Huwag ka ngang umiyak! Ayoko ng drama bff, anyway ill just call you for my life' update okay?" Alam niyang pinipigil lang ni Diane ang sarili na di umiyak. Kilala niya ito, kahit na madaldal ay alam niyang mas emosyonal pa ito kumpara sa kanya. " Sige na, pasok ka na baka iwan ka pa ng eroplano!" Pagtataboy niya rito. Muli niyang niyakap ang kaibigan bago ito tuluyang pumasok sa loob ng boarding area. Nang maiwang mag-isa ay umupo na muna siya sa upuan na nasa gilid lamang ng entrance. Now that Diane is gone, kailangan

