Riya’s POV Nasa kalagitnaan ako ng maraming tao. Naglalakad sa aisle papunta sa lalaking nakaharap sa altar. I can’t see his face. Hindi ko rin matukoy kung sino ang lalaking iyon kahit na pamilyar ang likod niya. Nang magbaba ako ng tingin, nakita ko ang isang magandang traje de boda. I can’t feel the connection between me and the dress but I know it’s on me. I can also feel everyone’s stare on me. Kahit ang mga bulungan nila, naririnig ko. At para sa mga bisitang naroon, isa akong malaking katatawanan. “Paano niya nagawang pumatol sa taong ‘yan? Naubusan na ba talaga siya ng lalaki sa mundo?” I’m just not sure who said that. “Nawalan na yata siya ng kahihiyan sa katawan.” “Baka kamo, nakikipag-unahan sa kapatid niya sa pagpapakasal.” Napahinto na ako sa paglalakad dahil sa mga

