Riya’s POV Jace’s Wedding Day Isang magarbong garden wedding sa isang private house ang dinatnan namin ni Edward. Kakaunti pa lang ang mga tao pero naroon na sa tapat ng altar si Jace. Alam kong siya iyon kahit maiksi na ang buhok niya kumpara sa latest interview niya kasama ang babaeng pakakasalan niya. Kung hindi nga lang ako hawak sa kamay ngayon ni Ed, baka tumakbo na ako palapit sa kanya at niyakap siya. Pinigilan ko lang ang aking sarili dahil alam kong gulo lang ang dala noon. Hindi na ako natatakot na saktan pa ni Ed dahil ilang beses na din namang nangyari iyon. Ayoko lang masaktan ang babaeng mahal ni Jace. Duon biglang lumingon si Jace. “Mabuti naman at nakarating kayo.” Masaya niyang sabi nang makita niya kaming dalawa. Halata namang biglang nagbago ang timpla ng mukha niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


