Riya’s POV Canada Ginawa niya ang hiniling ko sa kanya. Ibinalik niya si Lindsey sa akin at ipinakilala niya ako sa kapatid kong hawak niya nga. “Siya si Trish.” Hindi ako makapaniwalang magkaharap na kami ngayon. Kung mahal ko pa si Edward, I should feel anger. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko habang nakatitig sa kanya. Mas maligaya akong makita si Patricia. Niyakap ko siya agad ng mahigpit. Kaya lang itinulak niya ako. “Totoo ba? Mag-asawa na kayo ni Ed?” Tumango ako. “Trish, tanggapin mo na lang. Ako talaga ang mahal ni Ed.” “Pero hindi mo pwedeng kunin pati ang anak ko.” Kahit hindi aminin ni Ed, alam ko na ang totoo lalo na nang makita ko sila Lindsey at Trish kanina. Mas magkamukha sila. She’s de

