Chapter 29 Riya’s POV Burnham International Hotel Sinasabi ko na nga ba. Yayakapin niya ako ng mahigpit habang umiiyak. Basang-basa ko na ang palabas niya. Sigurado, matagal niyang pinaghandaan ang araw na ito. “I’m so glad I found you, Hon.” Iyon ang sinabi niya sa mukha ko pero hindi ko maramdaman ang sincerity. Mas magandang sabihin na nagulat siyang nakita pa ako ng mga tauhan niya. “Pwede ba, Ed. Let’s cut this crap. Alam ko ng hindi tayo mag-asawa.” I remember the certificate we receive yesterday. Galing na iyon sa ahensya ng gobyerno ng Pilipinas. Pinatutunayan noon na hindi pa ako kinakasal kahit na kanino kaya sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan na angkinin ako? Ni hindi niya pinalabas ang mga tauhan niya nang sam

