Burnham International Hotel Katulad ng mga nakaraang araw, nilulunod ni Edward ang sarili sa alak habang nakatitig sa larawan ni Riya na naka-frame pa at nakapatong sa lamesang katabi niya pagtulog. Kailangang makalimutan niya kahit ngayon lang ang asawa niya at ang ina ng anak niya. Lahat na lang ng napala niya sa magkapatid na iyon ay puro problema. Noong bata pa siya, naniniwala siyang naging totoo siyang masaya na sinagot siya ni Riya, pero hindi naging sapat iyon kinalaunan. Lalaki siya at maraming pangangailangan. Si Riya ang pangarap ng maraming lalaki na makasama hanggang sa pagtanda pero hindi siya iyong tipo ng babaeng kaya siyang paligayahin. Hindi niya maramdamang kuntento siya sa babaeng pinili niyang mahalin. Kaya nagkaroon ng puwang si Trish sa puso niya; ang bat

