Riya’s POV Pakiramdam ko, dinala ako ni Melissa sa nakaraan habang umiinom kami ng beer at nagkukwentuhan sa malawak na terrace sa bahay ni Jace. Maganda ang bahay na iyon na halos kamukha ng bahay na pinagnakawan namin ng photo album. “Alam mo, baliw na baliw sa’yo ‘yang anak kong ‘yan. Nasa high school siya noong mahuli ko siyang palagi kang sinusundan tuwing lunch break mo sa opisina. Kaya pala nagmamadali siyang kumain kapag kasama ako. Akala ko, may girlfriend na! Iyon pala nakatitig sa girlfriend ng iba.” Naalala ko iyong binatilyong palagi kong napapansin sa coffee shop. Iyon nga kaya si Jace? “Mabait naman na bata ‘yan, talagang may pagka-stalker lalo na pagdating sa’yo. Hinayaan ko na lang kasi nag-heal siya dahil sa mga episodes ng Duchess. Hindi ko alam na super

