Jace’s POV I am indeed a happy man now. Wala na akong ibang hihilingin pa kung hindi ang makasama lang si Riya habang-buhay. Hindi ko ni sa hinagap naisip na pwedeng humantong kami sa ganoon. Naaalala ko ang sarili ko noon na nakatingin lang sa kanya ng malayo pero ngayon, mahimbing na siyang natutulog sa tabi niya at nakaunan pa sa bisig ko. She’s so gorgeous. Hinalikan kong muli ang noo niya saka siya niyakap. Kung ako lang ang masusunod, gusto kong habang-buhay na lang kaming ganito. Ni hindi ko na naiisip si Bea ngayon. Mabuti na rin sigurong maging totoo na ako sa nararamdaman ko kaysa magpanggap pa na mas gusto kong makipag-relasyon sa ibang babae. Dahil nga sa bata pa lang ako noon, hindi ko tinangkang magpapansin kay Riya. Nagkasya ako na mahalin siya habang may mahal siyang

