Chapter II

2679 Words
MISSING HEART Bumuhos ang malakas na ulan sa huling minuto ng klase. Agad sumagi sa isip ni Araselah ang kaibigang si Rain. Panay ang sulyap niya sa katabing upuan na bakante pa rin. Hindi niya alam kung bakit ito absent o kung may nangyari ba sa kaibigan. Hindi kasi nito ugali ang um-absent nang walang dahilan lalo pa't scholar ito. "Where's Rain? Pumasok na ba siya?" bungad na tanong sa kanya ng isang lalaki pagkatapos ng klase. Si Henley Jace Vaz. Ito ang masugid na manliligaw ni Rainsleth na kanina pa tanong nang tanong kung pumasok ba ang pinakamamahal nito. Isa ang lalaki sa tinaguriang 'Seven Renowned Cold-Blooded Princes' ng buong campus ng UDS-University of the Dark Someroux. "Hindi, eh. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero..." Umiling siya na agad din nitong nakuha. Pikit-mata itong humugot ng malalim na hininga at dahan-dahang ibinuga iyon. "I've also called her brother at ang sabi nito, hindi pa raw umuuwi si Rain mula pa kaninang umaga," sabi nito matapos dumilat. Hindi niya napigilan ang emosyong bumalot sa dibdib dahil sa sinabi ng kausap. "Where is she then?" halos pabulong nang tanong ni Selah. "I don't know either, but I hope she's safe," pahina nang pahinang nitong sagot. Biglang pumagitna ang katahimikan sa dalawa habang naglalakad. Abala ang kanilang mga utak sa pag-iisip kung ano na ang nangyari kay Rain, o kung nasaan siya. Nang may isang tinig na pumukaw sa interes nila. "Have you heard the news?" Magkasabay nilang nilingon ni Jace ang pinagmulan ng tinig. Dalawang babaeng nagtsitsismisan. "Anong balita ba 'yan?" walang kainte-interes na tanong ng babaeng may maikling buhok. Masyadong nakapukos ang mga ito sa isa't isa at sa topic na pinag-uusapan. Kaya malayang napakinggan nina Araselah at Jace ang mga ito. "May natagpuang bangkay raw ng isang babae sa daan malapit sa abandonadong building." Mantsado ng takot ang mukha ng babae habang nagkukuwento. Kulot naman ang mahaba nitong buhok. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ni Selah at nagkatinginan sila ni Jace. Kung saan-saan na naman nakarating ang espekulasyon niya. Posible kayang... "No, it can't be her," agad na putol ni Jace sa naiisip niyang posibilidad. Pero mababakas sa mukha nito ang labis na pagkabahala na baka si Rain nga iyon. Sana nga hindi siya 'yon. Hindi na niya nagawang sumagot kay Jace at nagpatuloy na lang sa pakikinig kahit na nasasapawan ng t***k ng kanyang puso ang usapan ng dalawa. "Really? 'Di ba malapit lang 'yon dito sa school?" hindi makapaniwalang tanong ng babaeng may maiksing buhok. "Oo. At mukhang na-gang-r***d daw ito, sabi ng ilang nakakita sa bangkay," dagdag pa ng babaeng nakasagap ng balita. "Oh gosh, that's too tragic! Sana lang matahimik ang kaluluwa niya." Napaantada ang babaeng kausap nito. "I hope so. But wait, there's more..." Parang lumaki naman ang tainga ni Selah sa sinabi ng babae at mas naging alerto pa sa pakikinig. "What is it?" Napapalunok pa ang nagtanong. Bakas ang kuryosidad at takot sa mukha nito. "The corpse's heart is missing." "A-Ano?" Halos magkasabay pa si Selah at ng babaeng iyon na napatakip sa bibig. What's with the heart? May balak bang ibenta iyon ng kung sinuma'ng kumuha? At sino ang kawawang babae na iyon? Is it Rain? "Mhine..." Naputol ang pag-iisip ni Selah nang may tumawag sa kanya mula sa likuran. Minsan pang dumapo ang paningin niya roon sa dalawang babae, na nakatingin na ngayon sa direksyon niya at aligagang naglakad paalis pagkakita sa dalawang lalaki na kasama niya. Nilingon niya si Jhenvick nang nakangiti. "Ikaw pala, mhine." Gumanti rin ito ng tipid na ngiti bago nilingon ang kasama niyang si Jace. "What's up, Vaz? Wala ba ang inspirasyon mo? Pumapangit ka kasi." Mapang-asar itong ngumiti. Jace smirked a bit and slipped his both hands into his pockets. "With or without my inspiration, I'm still more handsome than you," taas-noo nitong tugon. "Whatever." Nagkibit-balikat lang si Jhenvick at pasimple siyang inakbayan. "But what's the use of that look kung hindi mo naman mapasagot ang nililigawan mo?" Lihim siyang napangiwi sa sagutan ng dalawa. "Just in case you didn't know, Mr. Medel, my look isn't the one courting her but my whole being," seryosong sagot naman ni Henley Jace. Naniningkit na ang mga mata. Jhenvick just rolled his eyes to Jace's answer. "Tsk, baka sa attitude mo siya may problema kung gano'n?" Tinaasan pa nito ng kilay ang kaharap. Pakapal nang pakapal ang tensiyon sa paligid niya. Hindi naman niya magawang suwayin ang dalawa dahil ayaw na ayaw ng mga ito ang pinapakialamanan sila. "I don't think so," si Jace naman ngayon ang nagkibit-balikat. "'Coz my attitude isn't a problem here to be solved. It's your hard face that needs to be dissolved," hirit pa nito. Napahawak na sa baba si Jhenvick at nilaro-laro iyon habang napapanganga o natatawa sa sinabi ni Jace. Mukhang nauubusan na ng pasensya. Hayss... kailan ba magkakasundo ang mga prinsipeng 'to? Sina Gemlyle at Ison Jaxx lang yata ang nakikita niyang na nakakasundo ng kahit sino sa tinaguriang SRCBP. Maliban kay Dark Koen na walang kasundo ni isa. "Tama na mhine, please." Mabilis na hinawakan ni Selah ang braso si Jhenvick nang tangkain nitong itulak si Jace. "Tulungan mo na lang muna kaming mahanap ang bestfriend ko." Sa wakas at nakuha niya ang buo nitong atensiyon. Salubong ang mga kilay nito nang tumingin sa kanya. "What? Why?" "Hindi kasi siya pumasok. At ang sabi ng kuya niya'y wala rin siya sa bahay nila. Mukhang hindi rin 'yon nakakain ng pananghalian," paliwanag niya. Hindi maitago ni Selah ang pagkabalisa. Pakiramdam niya'y wala siyang kuwentang kaibigan dahil hindi man lang niya ito hinanap kaagad kanina. Ni wala siyang alam kung may problema ito o wala. "Ba't ngayon n'yo lang siya hahanapin? Tsk! How about your house?" sunod-sunod na tanong ni Jhenvick. Napatitig siya sa kasintahan. Nakataas ang dalawang kilay nito at bahagyang nakangiti, na siyang nagbigay ng pag-asa sa kanya. Ba't 'di ko agad naisip 'yon? Nabuhayan siya ng loob dahil may point naman talaga si Jhenvick. "'Di ba sa inyo lang naman siya pumupunta tuwing may problema siya?" dagdag pa nito na ikinalukot ng kanyang noo. How did he know? Totoong sa bahay niya pumupunta si Rainsleth sa t'wing hihingi ito ng tulong o kung malungkot ito at may problema. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit alam ni Jhenvick ang bagay na 'yon gayong two months pa lang naman silang mag-on? At sa loob ng two months na 'yon, isang beses pa lamang nito nadatnan si Rain sa bahay niya. "Oo nga pala. Para saan pa't naging kaibigan niya ako 'di ba?" bawi ni Selah. At ipinagsawalang-bahala na lang ang bagay na iyon. "So, let's go?" yaya ni Jace na kanina pa walang imik at magkakrus na ang mga braso. "Tara." Nauna silang lumakad ni Jhenvick at nakapamulsa namang sumunod si Jace. Hindi pa rin tumitila ang ulan pero may pathway naman papuntang parking lot na nilagyan ng roofs para sa ganitong panahon. Talagang pinag-isipang mabuti ng mga Someroux ang paggawa ng paaralang iyon. Nagkanya-kanya na sila pagkarating sa parking lot. Kotse ang sa kanila ni Jhenvick at motor naman ang kay Jace. Inaya niya itong sumakay sa kotse niya na agad din nitong tinanggihan. "No, thanks. Water proof naman 'tong jacket ko at mahina lang din ang ulan." Mabilis nitong isinuot ang itim na helmet matapos magsalita. Nagkibit-balikat lang si Selah. Isinara niya muna ang bintana bago pinaandar ang sasakyan. Habang nagmamaneho, dumapo ang tingin niya sa gilid ng daan malapit sa abandonadong gusali. May isang nakabasong kandila roon na wala nang sindi at basa pa. Mayroon ding isang bouquet ng mamahaling bulaklak. She must be rich. Parang nabunutan ng tinik si Selah. Nakasisiguro na siyang hindi si Rain ang babaeng iyon dahil hindi naman ganoon kayaman ang dalaga kung pagbabasehan ang bulaklak na nandoon. At mas lalong hindi gugustuhin ni Rain ang mabilhan ng kapatid ng mamahalin. Well, maykaya naman sina Rainsleth noon. Pero nang namatay ang mga magulang nina Reuben, unti-unting naubos ang pera sa pang-araw-araw na gastos at sa pag-aaral ng magkapatid. Agad inihimpil ni Selah ang sasakyan sa gilid ng daan. Nauna na sina Jhenvick at Jace sa labas ng bahay niya. And as usual, wala ang mga magulang niya dahil may out of town business trip na naman ang mga ito. Ang nakatatandang kapatid niya na si Ainsley, at ang dalawang katulong lang ang palagi niyang kasama sa bahay. "Mukhang wala namang tao," puna ni Jace. "Pumasok na muna tayo. I'll just ask our maids kung dumaan ba rito si Rain," sigaw niya sa dalawang lalaki paglabas na paglabas sa kotse. At gamit ang hinlalaki, tinuro niya ang bahay. "Sige," magkapanabay na sang-ayon ng dalawa. Gusto niya tuloy matawa dahil ngayon niya lang nakitang magkasundo ang mga ito. Para kasi silang nagbabagang kahoy sa lahat ng oras. Na biglang liliyab kapag ipinagtabi. "Daanan na lang natin siya sa kanila kung sakaling wala siya rito. I want to make sure kung nakauwi na si Rain at kung walang nangyaring masama sa kanya," seryosong dagdag ni Jace na sa kanya nakatingin. Tinanguan niya ito. Hays... Ang swerte ng kaibigan ko sa 'yo, Jace. Kaso, hindi ikaw ang gusto niya. Tahimik ang kabuuan ng sala pagkapasok nila. Pero sanay na si Selah. "Aling Saling," tawag niya sa kasambahay habang naglalakad papuntang kusina, kung saan madalas mamalagi ang may-edad na nilang katulong. Agad sumalubong sa kanya ang dalagitang anak ni Aling Saling. "Ay, ma'am, wala po si Nanay rito. Namalengke po," bigay-alam nito. "Gano'n ba? Itatanong ko lang sana kung dumaan ba si Rain dito kanina?" tanong niya kay Sandrina. "Hindi po eh." Umiling ito. Bumagsak ang mga balikat niya. Alam na niya ang sagot kahit ulitin niya pa ang tanong para makasiguro. Hindi talaga pupunta si Rain dahil alam naman niyang wala ako rito. Pero nagbaka sakali pa rin ako. Tsh... Nagsayang lang kami ng oras. "Sige, salamat." Nanlulumo siyang bumalik sa sala at hinarap ang dalawang lalaki. Naabutan niya si Jace na nakatayo sa hamba ng pinto. Samantalang nakaupo naman si Jhenvick sa sofang malayo kay Jace. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa mga nagtatanong mukha saka niya sinabing, "Negative." Napabuntong-hininga si Jace at agad namang tumayo si Jhenvick nang marinig ang sinabi niya. "Tara. Puntahan na natin siya sa bahay nila-" mabilis na suhestiyon ng huli na agad pinutol ni Jace. "You don't have to say that. Iyan naman talaga ang plano ko kanina 'di ba?" Hays. Here they go again. "Whatever. Dapat nauna ka na doon at kami na lang ang pinatuloy mo rito nang hindi nasayang ang oras nating lahat 'di ba?" Nakipagtigasan pa ng tingin si Jhenvick. "Why? Did I tell you to come with us? Maaari ka nang umuwi, Mr. Medel, para naman hindi masayang ang oras mo." Iminuwestra ni Jace ang kamay nito paturo sa pinto. Tsh... siya ba ang may-ari ng bahay? sa isip ni Selah habang nakatunganga sa dalawang nagbabangayan. "And entrust my girlfriend to you?" Biglang ikinulong ni Jhenvick ang kanyang palad nang hindi pinuputol ang pakikipagtagisan nito ng tingin kay Jace. "You wish, Vaz." Hindi niya na alam kung kikiligin ba siya sa sinabi ni Jhenvick o maiinis dahil sa kababawan nito. "At bakit? Takot ka bang malipat sa 'kin ang pagtingin niya, hm?" tudyo naman ni Jace na mas nagpainit ng ulo ni Selah. "Whoa! Ang taas ng kumpyansa mo sa sarili, dude. Ilang palapag ba meron 'yan? Nang mapagawan ko ng elevator," natatawang banat ni Jhenvick. "'Sky is the limit,' they say... but for me? Universe is its extent. Kaya ang tanong, aabot ba ang elevator mo ro'n?" And the smirking Jace leaned a bit towards her boyfriend to annoy him even more. At mukhang malapit na itong magtagumpay. Hindi niya na tuloy napigilan ang hindi awatin ang mga ito. "Tumigil na muna kayo, pwede? Si Rain ang main concern natin dito and not your nonsense dispositions! Para kayong mga isip-bata-" "You don't have any rights to say that to me." "I didn't give you the right to talk to me like that." Magkasabay na tinuran ng dalawa na nagpatikom sa bibig ni Selah. Tumagos pa yata sa dibdib niya. Ito ang isa sa mga bawal sa kanila. Bawal kang magsalita ng para sa kanila'y walang kwentang bagay. "S-Sorry, I didn't mean to," napapayukong paumanhin niya sa dalawa. Hmp! Totoo naman kasi na para silang mga bata. Konting hirit ng isa, tutumbasan naman ng isa pa. Tsh, at ako pa ang mali? "Have you called her again?" tanong ni Jace na parang walang nangyari. Tsh... Wala man lang sorry? Hindi na siya umasa pa. Para saan pa't tinaguriang cold-blooded ang mga ito? Walang salitang idinayal ni Selah ang numero ni Rain, nang hindi tinitingnan ang dalawa. Kung pwede niya lang iwan ang dalawang, baka ginawa niya na. Nakatatlong dial siya na puro ring lang ang naririnig. Saka lang siya sumuko. "Hindi pa rin siya sumasagot." "Okay." Lumbas ng bahay si Jace nang walang pasabi. Gano'n din ang ginawa ni Jhenvick kaya wala sa sariling napasunod na lang si Selah sa kanila. Papasok pa lang siya sa kotse niya nang magkasabay na pinaharurot ng dalawa ang kani-kanilang sasakyan. Tsh... Ano na naman ba 'to? Paunahan kung sino'ng makakita kay Rain? Mabilis niyang ini-start ang kotse at agad sinundan ang dalawa. Malayo pa man siya, natatanaw na niya ang dalawang lalaki na tila natitigilan sa harap ng bahay nina Rain. What's going on? Wala ni isa man sa mga ito ang nagbalak kumatok at pawang mga nakatingin lang sa baba. Sa gilid ng pintuan. Dali-dali niyang inihimpil ang sasakyan sa tapat ng lumang gate nina Rain at bumaba. Ramdam agad ni Selah ang lamig na dala ng hangin pagtapak niya sa lupa. At unti-unti iyong nanuot sa balat niya. Wala na ang ulan pero maulap pa rin ang kalangitan. At tila kinukulayan nito ng kulay abo ang paligid. Nakita niyang umupo si Jace sa isang paa nito at may kung anong inusisa sa harapan. Lakad-takbo na ang ginawa niya patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Agad bumundol ang kaba sa dibdib niya nang makita ang tinitingnan ng mga ito. "No... This is not true. It's just a prank. Kung sino man ang gumawa nito, humanda siya sa 'kin," rinig niyang bulong ni Jace. Nakakuyom na ang mga kamay nito. Nanghihina siyang napaluhod habang binabasa sa isip ang mga nakaukit sa isang tombstone. A tombstone with Rainsleth's name on it. And the ruins are... † R.I.P. † Rainsleth Lavares, 1999-2017 ... 2017? "P-paano nangyari 'to?" Nanginginig ang mga kamay na iniyakap ni Selah sa sarili. Biglang tumayo si Jace at humarap sa pinto. "I'm gonna find the asshole behind this." Akmang kakatok na ito nang bumukas ang pinto. "Ako ba ang tinutukoy mo?" Ang salubong na kilay ni Reuben ang nabungaran niya. Mukhang narinig nito ang huling sinabi ni Jace. Napatakip siya sa bibig nang may mapagtanto. "I-Ikaw ang nagpagawa nito, kuya Reuben?" Tumayo siya habang nakaturo ang isang kamay sa lapida. "Huh?" Naguguluhan itong tumingin sa kanya bago nilingon ang tinutukoy niya. "What the hell!" bulalas nito at lumbas pa para basahin ang nandoon. "Sino'ng may gawa nito?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito. "Hindi rin namin alam," ang tanging naiusal ni Selah. "Where's Rain?" Napalingon siya kay Jhenvick nang magsalita ito. Kanina pa kasi ito tahimik at ngayon lang nagsalita. Seryoso itong nakatingin kay Reuben. "Hindi pa umuuwi." Nag-iwas ng tingin si Reuben kay Jhenvick. "At hindi mo man lang siya hinanap?" sabay na tanong ng dalawang kasama niya. Napasinghap pa si Jhenvick at napailing sa kaharap. "Nakatulog ako, okay? Nagkasagutan kami kanina bago siya umalis kaya naisip kong baka gusto niya lang makapag-isip." Napakamot si Reuben sa batok. "Tungkol saan naman po?" Hindi niya mapagilang mag-usisa. "Hindi ko kasi siya naabutan dito pagdating ko kagabi. Nang tanungin ko naman siya kanina, hindi niya raw alam. Tapos ang kalat pa." Napahilot ito sa sentido. "Have you heard the news about the girl with a missing heart?" Naagaw ni Jhenvick ang atensiyon ng lahat. Narinig din ba niya ang sinabi ng dalawang babae kanina? O mas nauna niya lang nalaman? "Nope." Umiling ang kapatid ni Rain. "Why?" "I just thought you already knew. 'Di ba magkakilala naman kayo ni Xena?" dagdag pa ni Jhenvick na nagpaisip sa kanya kung saan niya narinig ang pangalang ng babae. "Yes, and so? Hindi ko makuha ang ipinupunto mo." Saka niya naisip ang pangalang Xena Ezra. "Si X-Xena? 'Yong k-kapatid ng bestfriend ng ate ko?" Napanganga at taas-kilay niyang nilingon ang nobyo. "Yep." "You mean... she's the girl with a missing heart?" pangungumpirma ni Reuben. Bahagya pang nakabuka ang bibig. Tumango lang si Jhenvick at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kuya ni Rain. "H-How come? At ano naman ang gagawin ng taong kumuha sa puso niya?" Napatingin sa kawalan si Reuben. Hindi nakalusot sa mata ni Selah ang bahagyang pamumutla ng lalaking kaharap. "Hahanapin ko na muna si Rain," biglang singit ni Jace. "Count us in! Maghiwa-hiwalay tayo para madali natin siyang makita," suhestiyon naman ni Jhenvick na agad sinang-ayunan ng lahat. Wala na silang sinayang na oras at nagkanya-kanya na. Masyado nang mahaba ang oras ng pagkawala ng kaibigan niya. Hindi na niya maiwasang hindi kabahan. Rainsleth... where are you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD