Chapter III

2551 Words
Mabilis na sinuyod ni Jace ang mga kalapit na lugar mula sa bahay nina Rain. Mabuti na lang at motor ang gamit niya nang araw na iyon, kung kaya mas madali siyang nakakaliko at nakakalusot sa makikitid na daan. Nagsisimula nang dumilim ang paligid at nagiging desperado na siyang makita ang dalaga. Sampung minuto siyang nagpaikot-ikot hanggang sa magawi siya sa lumang parke. Tahimik ang buong paligid at tanging tunog lang ng mga dahong hinihipan ng hangin ang maririnig. Walang katao-tao ang lugar kaya napagdesisyunan niyang magpatuloy na sa paghahanap. Pero may kung anong meron sa parke na iyon na biglang nagpakabog sa dibdib niya. Panandalian siyang pumikit. Walang kahinga-hingang pinakiramdaman ang paligid. At mas tinalasan niya ang pandinig. Nagbabaka sakaling may ibang maririnig. At hindi siya nabigo. Isang hikbi ang narinig niya sa 'di kalayuan na biglang natabunan ng isang tunog ng umaandar na motor. "Rain?" Napamulat siya at iginala ang tingin sa palaigid. Isang motor ang nakakuha ng kanyang atensiyon sa may likuran, na tila nakikipagkarera ang driver niyon sa sobrang tulin nitong magpatakbo. Halos mapuwing siya nang malampasan nito. Ngunit bigla itong tumigil ilang hakbang ang layo mula sa kanyang harapan. Kung gaano ito kabilis magmaneho, gano'n din kabilis ang naging pagkilos nito. At sa isang iglap, nakaharap na ang motor nito sa kanya. Kahanga-hangang nagawa nito iyon nang hindi man lang bumababa sa motor at mukhang hindi rin nahirapan. Napaigtad si Jace nang walang ano-ano'y pinaandar iyon ng driver nang mabilis patungo sa kanya. Kinabahan man, madali niyang binuhay ang makina at inihanda ang sarili upang imaneobra ang motor palihis. Pero nauna na itong lumiko papasok sa parke. Tss, hambog! Wala namang gate ah, bakit kailangang sa mismong harapan ko siya dumaan? Pasikat. Sinundan niya ito ng masamang tingin. Naglaho ang ingay ng makina nang tumigil ito sa gilid ng malaking puno. Hinubad ng naka-motor ang kanyang helmet, ngunit 'di niya makita ang hitsura nito dahil sa nakatalikod ito sa kanya. Napansin niyang inilahad nito ang isang kamay sa may bandang likuran ng puno. Doon pumasok sa isip niya ang dalaga. Rain? Mabilis niyang pinaandar ang motor at umikot sa park kung saan makikita niya ang mukha ng dalawa kahit sa malayo. Doon kumunot ang noo niya nang mamukhaan ang lalaking nagpasikat sa kanya. The ef! It's him? Napangiwi siya at muling iginiya ang motor palapit sa dalawa. Binusinahan niya ang mga ito at tinawag si Rainsleth na agad namang lumingon sa kanya. Naniningkit ang mga mata nito. Pilit kinikilala ang mukha niya na natatabunan ng helmet. "Jace?" Palihim niyang sinulyapan Koen na may nakakasuyang ngiti habang nakatingin kay Rain. Ang sarap niyang dukutan ng mata. Tss. Hinubad muna ni Jace ang suot na helmet bago bumaba sa motor at tinabihan si Rain. "Thanks for finding her, Someroux. Pero ako na ang bahalang maghatid kay Rain sa bahay nila." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "And why would I trust you?" Tumaas ang kilay ni Koen at bumaba na rin. Nakapamulsang tumabi kay Rain. Napagitnaan ng dalawa ang dalaga. At agad nagpalipat-lipat kay Jace at Koen ang tingin nito. "'Coz I am her suitor at kilala na ako ng kapatid niya." Kinuha niya ang kamay ni Rain para sana hilahin ito papunta sa kanyang likuran. Pero naagapan iyon ni Koen. Mabilis nitong nahawakan ang kanang braso ni Rain kaya napatingin dito ang dalaga. "Suitor lang, Vaz, don't give me that stupid reason." Ipinagdiinan pa nito ang letrang 's' sa stupid. "At hindi basehan dito kung sino ang kilala ng kuya niya." Sabay nilang binitiwan si Rainsleth nang hindi inaalis ang tingin sa isa't isa. Parehong ayaw magpatalo. Inunahan na ni Jace si Koen at humakbang palapit sa kaharap. "Kanina pa namin siya hinahanap kaya pwede ba-" "I'm the one who found her first. So, basically, it is my resposibility now to ensure her safety," putol ni Koen sa sinasabi niya. Taas-noo itong humakbang para salubungin siya at humalukipkip pa sa kanyang harapan. "Wew!" Natatawang napabaling na lang si Jace sa ibang direksyon saka niya tiningnan ulit ang kaharap. "Biglang-bigla naman yata ang concern mo ngayon kay Rainsleth? Nauntog ka ba, hm?" Nagdududang tingin ang ibinigay niya rito. Wala siyang maisip na rason kung bakit bigla na lamang ito nagpakita ng interes sa babaeng nililigawan niya, gayong noon pa man ay ilag na ito sa dalaga. Ni hindi nga nito matapunan ng kahit isang tingin si Rain pero ngayon... siya pa ang kusang lumalapit. Nananadya ba siya? "A man's concern can't be judged based neither on how long nor how short he has been known or near to the person involved, Vaz." Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Koen. "Oh, yeah?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Ipagpalagay na nating concern ka nga sa kanya ngayon, but that doesn't mean you can be trusted." "Do you really think na gagawa ako ng katarantaduhan kung alam kong may taong nakakakitang ako ang huli niyang kasama?" tanong nito habang nakaturo ang hinlalaki nito kay Rain. "Accidents can happen to anyone, Someroux. Pwede mong palabasing gano'n ang mangyayari. We both knew you're a pro to pull an act like that," makahulugang sabi ni Jace at sinamahan iyon ng sarkastikong ngiti. Batid niyang sapol na sapol ang lalaki sa sinabi niya. "Oh, come on. I'm sure naman na susundan mo kami para siguraduhing makakauwi nang ligtas ang babaeng gusto mo. Right, Vaz?" Muli pang nanukso ang ngiting pinakawalan nito. Nagsisimula nang uminit ang dugo ni Jace dahil sa ngiting hindi mabura-bura sa labi ng kaharap. "Tss, ba't 'di na lang si Rain ang magde-decide kung kanino siya sasama?" suhestiyon ni Jace. Doon na siya napalingon nang tuluyan kay Rain na kanina pa pala nakatunganga kay Dark Koen. Anak ng teteng naman, oh! "Fine. Ask her." Napalabi si Jace nang lumingon sa kanya ang dalaga. "Kanino mo gustong sumama, Rain?" malumanay na panimula niya, "Sa akin? O..." "O sa future boyfriend mo?" biglang sabat ni Someroux na kay Rain nakatingin. What the ef, you're not playing fair, Dark! Umigting ang panga ni Jace sa narinig. "H-ha?" Natutulalang nag-angat ng tingin si Rain kay Koen na agad napansin ni Jace. "Let's go?" Nakangiting inilahad ni Koen ang kamay nito sa babaeng nasa gilid niya. "Rain?" agaw niya sa pansin ng dalaga at naglahad din ng kamay. Ni hindi na niya magawang ngumiti. "Now. Or never," dagdag pa ng kanyang karibal. Nabahiran ng pagkalito ang mukha ni Rain. At mas lalo pang nagningas ang inis ni Jace. "Someroux..." Nagbabanta na ang tinig at ang tinging ipinupukol niya sa kaharap. Isang salita na lang at sasabog na ang pagtitimpi niya. Muling dumapo ang tingin ni Rain kay Jace at nabuhayan ng loob ang huli. "S-Sorry, Jace," ang naiusal nito na nagpaguho ng pag-asa niya. Pasimple itong tumingin sa ibang direksyon. Hindi pa man nito nasasabi nang tuluyan, nahuhulaan na niya ang sagot nito. "Kay S-someroux na ako sasama. D-dalawa kasi ang helmet niya." Kumawala sa kanyang bibig ang malakas na singhap. Pss... sa helmet? Dahil lang sa dalawa ang helmet niya? As if namang wala akong alam... Bumukas-sara ang bibig niya pero walang lumabas doon. Para siyang timang na napatango-tango na lang. "S-Sige," naiusal niya rin sa wakas kasabay ng pagbagsak ng mga kamay niya sa tagiliran. Just for now. Nag-iwas siya ng tingin nang tanggapin ni Rainsleth ang kamay ni Koen. Sa kamalas-malasan, kay Koen pa nag-landing ang tingin niya na nananadyang ipakita sa kanya ang ngiting panalo nito. "Call me Koen from now on," sabi nito kay Rain habang isinusuot sa dalaga ang helmet. Kumuyom ang kamay niya sa narinig. Lahat ng mag-aaral sa UDS ay pinagbabawalang tawagin si Koen sa pangalan nito, pwera na lang kung ito na mismo ang magpapatawag ng Koen o Dark. Isa iyon sa rules ng paaralang pagmamay-aari ng mga Someroux. Kaya halos lahat sila na binansagang cold-blooded ng mga kababaihan ay hindi na rin nagpapatawag sa first name nila hangga't hindi nila pinahihintulutan ang taong magbabanggit niyon. Nakahanda na sana si Jace para sundan sina Koen nang may dumaang imahe sa isip niya. Ang tombstone! Kailangan ko palang mauna para maitapon 'yon bago pa makita ni Rain. •—————•♥•—————• "Hello, ate?" sagot ni Araselah sa tawag ng ate niya. Pabalik na siya sa bahay nina Rain dahil nag-text si Jace na nakita na nito ang kaibigan niya. "Sis, hindi ako makakauwi ngayon, ha? Namatay kasi ang kapatid ni Zam at ngayon ang unang gabi ng lamay," pagbibigay-alam ng kapatid niya. "Nabalitaan ko nga. Teka, pwede ba kaming makiramay, ate?" nagbabaka sakali niyang tanong. Kahit papaano, kilala na niya si Zammarah base sa mga kwento ng ate niya. Si Xena lang ang hindi niya kilala dahil sa kabilang university ito nag-aaral. 'Di kagaya ng kapatid nito na schoolmate niya at kaklase ng ate niya. Ano kaya'ng hitsura niya? "O sige. Isama niyo na rin si Reuben. Sasabihin ko na lang kay Zam," sabi ng ate niya sa kabilang linya bago nagpaalam. Hindi niya na inalam kung bakit kailangan niyang isama si Reuben. Iniisip niya na lang na baka dahil iyon sa magkakilala sina Xena at ang kuya ni Rain. Saktong nasa tapat na siya ng bahay nina Rain pagkababa niya ng tawag. Nakabukas na ang pinto at may naaaninag siyang tatlong tao roon na mukhang kararating lang din. Nagmadali siyang bumaba at lakad-takbong pumasok. Sinunggaban ng yakap ang matalik na kaibigan nang hindi tinitingnan kung sino-sino ang naroon. "Buti naman at walang masamang nangyari sa 'yo." Hinimas-himas niya ang likod nito hanggang sa may mamataan siyang ibang tao na nakatayo malapit sa kinatatayuan nila ni Rain. "Ay, teka..." Kumalas siya sa yakap at tiningnan nang maigi ang mukha ng taong iyon. Mabilis niyang natakpan ang bibig nang mapagsino ito. "Someroux?" "Do I know you?" ganting tanong ni Dark Koen na sinamahan pa ng masamang tingin. "Ah, eh... bestfriend ako ni Rain," napapahiya niyang sagot. Muntik na siyang mapipi sa sobrang kaba. Ni wala sa hinuha niya ang makaharap ang pinakasuplado sa UDS dahil ilag ito sa lahat ng tao. "I'm not asking kung ano ka ng future girlfriend ko. You can rightly answer my question with just a yes or a no," walang kangiti-ngiting pamimilosopo nito. Pero hindi na naintindihan ni Selah ang mga sinabi nito dahil natulala na siya sa dalawang salitang iyon. Hindi niya mawari kung tama ang narinig niya o baka nabibingi lang siya. F-Future girlfriend? "Ahm, kakain lang muna ako," paalam ni Rain na kay Someroux lang nakatingin. "Go ahead. I'll just wait for you here." Pinisil pa ni Koen ang baba ng kaibigan niya habang nakapamulsa ang kabilang kamay. Shocks! Is this for real? Lutang ang isip na naglakad si Selah palapit kay Jace at umupo sa tabi nito. At pasimpleng nagtanong. "Ano'ng ginagawa niyan dito?" "Siya ang nakakita kay Rain sa park." Nagkibit-balikat lang ito at hindi siya tinapunan ng tingin. Masyado itong naka-focus kay Someroux na kasalukuyang umuupo. "Really? Mabuti't hindi niya dinedma ang kaibigan ko?" Kahit gulat man, nagawa pa ring hinaan ni Selah ang boses niya upang hindi iyon marinig ng taong pinag-uusapan nila. "Nagtataka nga ako." Saglit lang siya nitong sinulyapan at napangiwi. Doon na siya natawa at naisipan itong asarin. "At may pa-future-future pa siya, ha? Nakuu... Mas lalong wala ka nang pag-asa kay Rain." Lmao. Bigti na this. Pigil ang ngiti ni Selah at nagkunwaring si Koen ang tinitingnan nang lumingon sa kanya si Jace. "Do I need to attach a zipper on your lips?" rinig niyang tanong ng katabi. Humaba ang nguso niya sa sobrang seryoso nito. Ni hindi man lang masakyan ang panunukso niya. "Sige, subukan mo. Hindi na talaga kita ilalakad kay Rain." Sinilip niya ito sa gilid ng mata at pairap na binawi ang tingin niya rito. "As if namang mababago mo ang nararamdaman niya," mahinang bulong nito at ngumiti nang tipid. Aww... Tumatagos kay Selah ang sakit ng bawat katagang iniusal ng lalaking katabi. Batid niyang hindi lang nito gusto si Rain, kundi mahal na nito ang kaibigan niya. Nang magsimula pa lang sila ni Rain mag-aral sa UDS, agad na itong niligawan ni Jace. Mas nauna niya pang pangalanan ang love team ng mga ito na JaceRain kesa sa kanila ni Jhenvick na JheLah. Pero hindi man lang iyon ma-appreciate ng kaibigan niya. Pursigido talaga itong makapagtapos muna ng pag-aaral. "Oo nga pala, nakita ba ni Rain ang tombstone?" tanong niya kay Jace nang sumagi sa isip niya ang lapida. "Nah, it's already gone when I came here." Kunot na kunot ang noo nito nang lingunin siya. "May bumalik ba sa inyo kanina?" Bumalik? "Meron ba?" Kung meron mang bumalik, sigurado si Selah na wala sa kanila ni Jace iyon. "Nasa'n si Rain?" Humahangos na pumasok si Reuben at isa-isa silang tiningnan. "Ay kuya, kumain lang po," mabilis niyang sagot nang dumapo ang tingin nito sa kanya. Pero wala na sa kanya ang atensiyon nito. "A-Ano'ng ginagawa mo rito, Mr. Someroux?" kunot-noo nitong tanong sa nakapandekwatrong upo habang nakasandal sa sofa na si Koen. "Just sending your sister to your home. Got a problem with that, Mr. Reuben Lavares?" Nakatas ang kilay at pa-relax-relax lang si Someroux habang sinasabi iyon. "Nope, of course not. Hindi ko lang inaasahang magkikita tayo rito, sa mismong pamamahay ko," sagot ng kapatid ni Rain na biglang nag-iba ang hitsura at nagmukhang walang pake sa sinasabi ng kausap. "Masanay ka na mula ngayon dahil dadalas-dalasan ko na ang pagpunta rito." May tipid na ngiti sa labi ni Koen habang ipinapatong ang mga braso sa sinasandalang sofa. Feeling at home. Tsh... "And what do you mean by that?" Unti-unti nang pumapasok sa sistema ni Selah ang namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawa. Sa sobrang focus niya sa pag-uusap ng mga ito, hindi niya na namalayan na nasa tabi na pala niya nakatayo ang kasintahang si Jhenvick. Nakahalukipkip ito at masama ang tingin dahil magkatabi sila ni Jace sa iisang upuan. Tumayo na lang din siya sa tabi nito. For sure nakikinig lang din siya sa dalawa at ayaw lang mapaghalataan. "I will be courting your precious little sister, and it started just this minute that I've informed you," malakas ang loob na tinuran ni Koen at mukhang walang pake kung tututol man o hindi ang kuya ni Rain. Napasinghap nang malakas si Reuben at napapangangang nilalaro ng dila nito ang bibig. Halatang hindi makapaniwala sa narinig. Maging siya at gayon din si Jhenvick na parang gustong matawa na hindi. "No, you won't." Matigas ang naging pag-ayaw ni Reuben na ipinagdidiinan pa ang bawat salita. Why not? naguguluhan tanong ni Selah na hindi niya maisatinig. "Yes, I will. And it's not up to you to decide whether to court or not to court your sister. The decision is mine." Tumayo si Koen para magpantay ang mga mata nito at ng kuya ni Rain. "Hah! You think so?" Natawa tapos bigla na lang sumeryoso ang mukha ni Reuben. "Gagawin ko ang lahat para ilayo sa iyo ang kapatid ko." Someroux smirked a bit that looked like a warning. "Be ready to suffer the consequences, then." Humakbang si Koen para lagpasan ang kapatid ni Rain. Pero bago pa ito lumagpas nang tuluyan, may pahabol pa ito. "I'll give you time to think twice. And don't ever forget this... she'll be mine no matter how hard you try to hinder me. So, just save your darn efforts and don't bother anymore. I'll win her no matter what," mahinang sabi ni Someroux nang hindi tumitingin sa kausap at naglakad nang tuluyan palabas. Hindi nakalampas sa paningin ni Selah ang pag-igting ng panga at pagkuyom ng palad ni Reuben. Saka lang siya natinag sa kinatatayuan nang magsimulang maglakad ang kapatid ni Rain papuntang kusina. Napatingin siya sa dalawang lalaki na naiwan kasama niya. Tila nagkaintindihan ang mga ito at magkasabay na lumingon sa kanya nang makahulugan na agad naman niyang nakuha. Dalawang pares ng paa ang sumunod sa kanya papuntang kusina. Bakit kaya ganoon na lang kung ayawan ni kuya Reuben si Koen?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD