Panimula

1002 Words
Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga tauhan, pangalan, lugar at mga pangyayari ay gawa ng imahinasyon ng may-akda. Ano mang pagkakahalintulad sa ibang istorya ay hindi sinadya at nagkataon lamang.  Hindi pinapahintulutan na kopyahin, ariin, at ilathalang muli ang anumang parte ng istorya na walang pahintulot ng may-akda.  Ang pagbabasa sa likhang ito ay hindi ipinagpipilit kaya ang sariling desisyon ay panghawakan sa anumang panganib na maaaring mabasa sa istorya.   --- Run! Run! Run! My legs are trembling but I keep on running. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong mahuli niya! P-Please.. Somebody please help me! Tumakbo lang ako nang tumakbo kahit pa nagmamanhid na ang buo kong katawan. Pakiramdam ko kahit na anong pagtakbo ang gawin ko ay hindi ako makalayo sa kanya! Ang takot na nararamdaman ko ay dumoble dahil sa walang katapusang kadiliman tinatahak ko! Lubak na lupaing tinatakbo ko ay walang katapusan. Ang mga talahib ay matataas at sumasayaw na parang kinukutya ang ginawagawa kong pagtakbo. Nasaan ako? B-Bakit hindi ako makaalis dito? H-Hindi ko siya matakasan! Nanunuyo ang lalamunan ko sa patuloy na pagtakbo. Ang mga tuhod ko ay nagsisimula nang manghina.. No! I-I can't stop right now! Mahuhuli niya ako.. m-makukuha niya ako! A-Ayoko.. ayoko..  Gayunpaman, tuluyang nawalan ng lakas ang mga paa na naging dahilan nang pagkadapa ko. Luha.. takot.. at panginginig ng buong katawan ang kasalukuyan kong nararamdaman pero pinilit kong gumapang palayo sa kanya.. Gusto kong sumigaw ng tulong pero walang boses na lumalabas!  Ang paglukob ng takot ay mas lalo kong naramdam nang may dalawang bising ang humaplos sa akin at pilit akong hinarap sa kanya. "N-No! P-Please stop!!" Ang iyak ko ay maririnig sa buong paligid lalo na nang dumagan ang matipunong katawan niya sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha niya, madilim. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang ngising iyon. "P-Please No! S-Stop Please!" Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at itinaas sa uluhan. Nagsisikip ang dibdib ko, para akong mawawala ng hininga sa takot. Nagpumiglas ako lalo na ng simulan niyang atakihin ang leeg ko ng mapangahas niyang halik.. madiin at nangigigil. "S-Stop.. Please No!!!" "S-Stop.. Please No!!!" "Dabria! Dabria! Sweetheart wake up!" nanginginig na napabalikwas ako ng gising. Ang nag-aalalang mata ni Tita Elizabeth ang una kong nakita. "Oh God! Theo her medicine!" natataranta niyang sigaw. Mariin akong napahawak sa dibdib ko upang habulin ang nawawalang hininga. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili pero hindi ko magawa. Ang nakakatakot niyang ngiti ay mas nagpapawala sa hiningang pilit kong hinahabol. "Fvck it! Drink it, Dabria!" I heard Theo's voice but I'm out of my mind. Tanging alam ko na lang ay may pilit silang pinainum sa akin. "Drink it!" Kahit hirap ay nilunok ko ang gamot na binigay niya. Halos maligo kaming dalawa dahil sa tubig na pinapainom nila sa akin. I'm trembling so hard! Hindi ko magawang kontrolin ang sarili para mapatigil ang panginginig ko. I’m weak and pathetic. "Dabria please calm yourself! Breathe! breathe!" pakiusap ni Theo sa akin. Mariin kong pinikit ang mata ko at ginawa ang sinabi niya. Pinilit kong inalis sa utak ang nakakatakot na bangungot na nangyari. Ang mga imahe niya ay inilulubog ko sa pinakamadilim na bahagi ng isipan ko. Ilang minuto pa ang lumipas nang naging maayos ang paghinga ko. Nanghihinang nakasandal lang ako sa dibdib ni Theo habang siya ay hinahaplos ang likuran ko. "I..I will call Doctor Williams." I heard Tita Elizabeth uttered. Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin ang takot ko, ang takot ko sa bawat pagtulog ko pero hindi ko magawa. Walang mga salitang gustong lumabas . All I can do is to close my eyes and let the scary darkness pulled me again.. This fear suffocates me.. my past is killing me. Mga ganoon eksena ang halos nangyayari sa akin sa huling dalawang taon ko sa hospital. Paulit-ulit na takot, paulit-ulit na sakit.. Now, Am I really ready to go back to the place where I experienced those nightmares? "This is Captain Severino McGreono of flight AC1229. In five minutes we are second priority for landing. Flight attendants and cabin crews, please take your seats and prepare for landing." mahigit akong napakapit sa iniupuan ko. Ang mabilis na t***k ng puso ko ay mas dumagundong ngayon sa kaalamang ilang minuto lang ay tatapak na ako sa lupang kinatatakutan kong balikan. It's been six years.. and now I'm coming back again. Dabria please calm down. For six years you was able to survive that past. Huwag kang matakot pa, kailangan mong maging matatag para sa pamilya mo, para sa mga taong mahal mo. Hindi na ako ang mahinang Dabria. Mahabang panahon na ang nasayang dahil sa takot ko.Hindi ko na dapat na hayaang muli akong mawala sa sarili dahil sa mga nangyari. I have my reasons why I decided to be home again. Ang mga iyon ang nararapat na pagtuunan ng pansin. "Ladies and gentlemen welcome to De Carveron International Airport. Local time of 7:43 p.m with the temperature of 27 Celsius. Once again, this is you Captain Severino McGreono. On behalf of De Carveron Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip. We are looking forward to see you on board again. Thank you and have a nice night." I sighed. Nakabalik na talaga ako. Mariin kong ipinikit ang mata habang hinahayaan ang ibang pasahero na lumabas para makababa. Lumipas ang ilang minuto bago ko hinayaang buksan ulit ang mga ito. It's fine, Dabria. You will be fine. Ang malakas na pagtahip ng puso ko ay hindi ko mapigilan. Ipon ang lahat ng lakas ko ay tumayo na para lumabas. Ang parehong simoy ng hangin ang mas nagpasikdo sa puso ko. The moment I stepped my feet on the ground I felt it. The familiarity of these knitted feelings. Ang init na nakahalo sa malamig na gabi ay hindi nakatulong sa mga sensasyon na umuusbong. I looked around and all I can whispered to myself is.. Welcome back, Dabria. Welcome back..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD