Kabanata 1

1836 Words
Marami ang nagbago. Mula sa labas ng bintanang sinasakyan ko ay tanaw ko ang buhay na buhay na siyudad. Maliwanag at maingay ang kalsada dahil sa mga gimikan. Matatayog na ang ngayon ay marami ng mga gusali. Kahit gabi na hindi pa rin nakaligtas ang karamihan na gaya ko sa mahaba at mabagal na usad ng mga sasakyan. I used to experience these things six years ago. At heto ako, muling nararanasan ulit dahil sa pagbabalik ko. Nagpahatid ako sa dati kong condo. May nanatiling nangalaga si Tita Elizabeth dito sa nagdaang taon. Sumalubong sa akin ng dating ayos ng lugar. The familiarity of my old place hit me so hard. I missed it. Matapos maibaba ang bagahe ay lumapit ako sa may kulay gintong kurtina. Hinawi ko ito at sumalubong ang naggagandahang liwanag ng mga gusali sa buong siyudad. Mas maganda ang kapaligiran kung hindi lang sa kasalukuyang buhos ng ulan. Hindi ko inaasahan ang ulan ngayon. Kanina lang ay maayos pa ang panahon pero ngayon bumuhos na ang ulan. Dumako ang mata ko sa mga sasakyang nasa baba na kasalukuyang binabasa ng ulan. I bit my lip. Kahit ayoko ay pilit na pinapaalala ng isip ko. Ang ganitong tagpo ay kapareho noon. Ang tagpong hindi ko alam na babago sa buhay ko. "Sinabi ko naman kasi sa'yo na hintayin mo na ako! Look what happened now!" pagalit na sabi ni Sabrina sa akin sa kabilang linya. "S-Sab ayaw talaga." magkahalong alala at takot ang bumabalot sa akin habang pilit na pinapagana ang sasakyan ko. "At sa lahat ng sasakyan ninyo bakit iyang luma mo pa ang ginamit mo papunta sa malayong probinsyang iyan?!" kinagat ko ang labi para mapigilan ang namumuong luha dahil sa sitwasyon. Sa kadiliman ng gabi, bigla nalang bumuhos ang malakas ng ulan. Ilang minutong pag-ulan ay huminto ang kotse ko sa hindi pamilyar na kalsada. "S-Sab anong gagawin ko? Hindi ko alam kung may dadaan sa lugar na ito." tumingin ako sa paligid. Maliban sa dilim at lakas ng ulan, mas nagpadagdag sa takot ko ang mga puno na parang anumang oras ay mabubuwal na sa akin. Dapat nakinig ako sa kanya, dapat hinintay ko nalang siyang makabalik galing sa tatlong araw niyang pagbisita sa pamilya niya sa ibang bansa para sabay kaming bumyahe. Hindi ko naman alam na ganito kalayo ang pagdadausan ng sponsorship. "N-Nasaan--ka..t-tatawagan k-ko.. s-pa-ra m-a..punta-han." mabilis akong napatingin sa phone ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Dumoble ang takot ko ng makitang paubos na ang baterya. Oh please no! Bakit sobrang malas ang inabot ko sa biyaheng ito?! "H-Hello Sabrina! Sabrina—Sh!t!" tuluyan na akong napamura nang mawalan ng buhay ang hawak ko. Ano na ang gagawin ko? Ano ba kasing problema ng sasakyang ito?! Napapitlag ako sa kinatatayuan nang biglang kumidlat at mas lumakas ang ulan. Kailangan kong kumilos! Kailangan kong makaalis dito. Kung hindi ako gagawa ng paraan baka may mangyaring masama sa akin. Ilang segundo kong pinakalma ang sarili bago ako naghanap ng flashlight at payong. May nakita akong flashlight pero walang payong. Damn! Bahala na! Mabilis akong lumabas ng sasakyan at binuksan ang harapan ng sasakyan. Wala na akong pakielam kung mabasa ako! Ang mahalaga sa akin ay makita ang sira nito. May alam ako sa sasakyan at pinapanalangin ko na lang na makita ko agad ang dahilan ng pagtirik nito. Dahil sa ulan at dilim, nahihirapan akong makita agad ang problema ng luma kong kotse. Basang basa na ako at malapit nang mawalan ng pag-asa pero bigla kong maramdaman na humito ang ulan. I was confused at first, but when I realized something I stiffed. Nawala lang ang ulan sa pwesto ko dahil may pumayong sa akin mula sa likuran. "Anong problema, hija?" mabilis akong napabaling sakanya. Isang may katandaang lalaki ang sumalubong sa akin. Dahil sa pinaghalong takot at gulat ay hindi agad ako nakapagsalita. "Huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao, hija. Papadaan lang kami nang makita ka namin." Doon ko lang napansin ang magandang itim na kotseng nakahinto hindi kalayuan sa amin. Ganoon na ba ako katakot at abala kaya hindi ko narinig ang pagdating nila? "Ano bang problema?" ulit niyang tanong at sumilip din sa hood ng kotseng kasalukuyang nakabukas. "H-Hindi ko pa ho alam. Basta bigla nalang ho tumirik." sagot ko na agad niyang tinanguan. Lumapit siya nang bahagya at sinilip din ang unahan ng kotse ko. "Nako mahihirapan tayong mahanap ang sira lalo na madilim at malakas ang ulan." muli siyang tumingin sakin at ngumiti. "Nagmamadali rin kami. Saan ba ang punta mo, hija?" "S-Sa Siyudad del Sol ho." kaagad na nagliwanag ang mata niya sa naging sagot ko. "Doon din ang punta namin. Kung gusto mo sumabay ka nalang sa amin. Paniguradong ayos lang naman sa boss ko dahil siya naman talaga ang nagpahinto ng sasakyan." Mabilis akong muling tumingin sa magarang kotse. Boss? Kaya pala parang iniporme ang suot niyang asul na polo. Bumalik ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ng muli siyang magsalita. "Kuhanin mo muna lahat ng importanteng gamit mo saka isusi ang kotse. Puwede mo namang ipakuha iyan pagdating natin doon." "P-Pero.." hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko sa pag-aalinlangan. Kailangan ko ng tulong pero hindi ko siya kilala. Nakikita ko naman sa mata niya ang sinseridad pero hindi ko parin mapigilang magduda. "Huwag kang mag-alala. Tulad ng sinabi ko hindi kami masamang tao. Ang gusto lang namin ay matulungan ka dahil lubhang mapanganib ang lugar na ito lalo pa at malakas ang ulan." isang ngiti ang binigay niya sakin. Sa huli tumango ako sa kanya. Tinulungan niya akong kuhanin at bitbitin ang may kalakihang bag ko. Sinigurado ko ring nakasarado nang maayos ang kotse ko bago tuluyang iniwan. Mabilis kaming nakalapit sa itim na kotse. Heavy tinted ang mga bintana nito kaya hindi ko maaninag kung may tao nga s loob. Binuksan niya ang front seat, akala ko doon niya ako papaupuin pero ang bag ko ang nilagay niya doon. "Sa may backseat kana maupo." "U-Uh sige ho." hindi ko alam pero hindi nawala ang kaba ko dahil isa lang ang ibig sabihin nito. Wala sa front seat ang boss niya ibig sabihin nasa backseat ito. Nang buksan niya ang pinto at tuluyang akong pumasok ay tuluyan akong naestatwa dahil sa dalawang malalim na pares na mata ang sumalubong sa akin. I didn't know that his boss is young.. and gorgeous. Hindi ko alam kung nakakahinga pa ako ng mabuti dahil sa biglang pagwawala ng puso ko. What's going on, Dabria? I looked his appearance. He looks so sexy with his well-designed suit. He's tall with a muscular frame. I can see his biceps under his coat and smooth tan complexion. He has a strong jaw lines, straight nose and pinkish lips. Going up is a smooth and thick black hair that falls slightly over his hooded dark eyes. I look up into his eyes and suddenly our eyes locked Damn! His eyes are very dark. It gives off his intimidating aura. Naputol lang ang pagtitig ko sa kanya nang marinig ang pagsara ng pinto sa may driver seat. Unti unti kong naramdaman ang hiya sa ginawa kong pagtitig sakanya. The hell, Dabira?! Pakiramdam ko napunta lahat ng kahihiyan sa akin ngayong gabi. Habang ang lalaking katabi ko ay may magandang ayos, ako naman ay parang basing sisiw na hindi alam ang gagawin. I’m sure, I look like sh!t. Where are your manners, Dabria? Nadamay ko pa sa kapalpakan ko ang ibang tao. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya pero nilakasan ko ang loob ko para muling tumingin sa kanya. Akmang bubuksan ko na ang bibig ko para magsalita pero ang mata niyang blangko parin ay inalis na niya at tumingin sa harapan. "Let's go, Mang Kaloy." pinigilan kong mapasinghap sa lalim ng boses niya. Parang may mumunting kinikiliti akong naramdaman sa tiyan ko dahil lang sa pagsasalita niya. Hindi na ulit siya tumingin sakin at diretso na ang mata sa daan. Sa loob ng ilang minutong biyhae, hindi ako masyadong  gumagalaw sa kinakaupuan ko sa pag-aalalang baka  mabasa ko siya. Tiniis ko ito kahit pa nararamdaman ko na ang panlalamig. I’m wet and the car is too cold for me. Kagat labing tumingin ako sa dash board ng sasakyang para sana tingnan kung may tissue at mapunasan ko ang sarili. Abala ako sa pagtingin nang hindi sinasadyang napatingin ako sa rearview mirror. Hindi ko na napigilang ang mababaw na singhap na kumawala sa labi nang matagpuan ang malalim na titig niya sa akin. Sa sobrang intensidad ng mga ito para mas lalo akong nanlalamig. Mabilis kong inalis ang tingin ko pero hindi parin ako mapalagay dahil katabi ko lang siya. Naramdaman kong bahagya siyang gumalaw. Ganoon nalang ang gulat ko ng tanggalin niya ang coat niya saka ibinigay sa akin. "U-Uh no ayos la--." he cut me off. "Just take it." wala na akong nagawa dahil sa diin ng boses niya. Napapalunok na tinanggap ko ito. "My handkerchief is inside the pocket. Use it." utos niya ulit. "T-Thank you.." pagkatapos kong binalot sa katawan ko ang coat niya ay mas dumaloy sa ilong ko ang mabango niyang amoy. He smells so manly. It was earthy and hot minty scent. I’s kinda addicting. Bago pa ako malunod sa amoy niya ay kinuha ko ang panyo niya at sinimulang punasan ang gilid ng mukha ko pababa sa leeg. Hindi ko kayang itaas ang paningin ko sa rearview mirror dahil ramdam kong nakatingin pa rin sakin. Buong biyahe kong pinakalma ang sarili ko. Heto ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang mga kakaibigang pakiramdam na ito. Or, maybe I was hopeless. I’m just thankful that they saved me, he saved me. Mabilis kong inalis sa isip ditto. Hindi ko sila kilala.. at baka ito na rin ang una at huli naming pagkikita. Bumuntong hininga ako saka tumingin sa labas ng bintana. Humina na ang ulan at mukhang papalapit na rin kami sa lugar na pupuntahan namin. Nanatiling ganoon lang ang pwesto ko hanggang sa tuluyan kong nakita ang malaki at magandang simbolo ng probinsya ng Puertelo del Sol. Kabaligtaran ng inaasahan ko sa lugar. Ang sumalubong sa amin ay parang siyudad na lugar. Buhay na buhay ang paligid kahit pa gabi na at maulan. It explains why they called it Siyudad del Sol because it's a civilized place. Naputol lang ang pagmamasid ko sa paligid ng muling marinig ang boses ng may katandaang lalaki. "Saan kaba namin ibababa, hija?" nagkatinginan kami sa salamin ni Mang Kaloy. "Sa may Plaza Puertelo ho--." hindi ko pa nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa bigla pagsasalita ng lalaking katabi. "Drive to my place, Mang Kaloy. She needs to change." nanlalaking matang napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya na parang wala sakanya ang sinabi samantalang nagsimulang maghuramente nanaman ang puso ko. "N-No! I'm fine. H-Hindi na--." he cut me off again with his dark and intense eyes. Wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok. Those eyes are really something.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD