My heart is flitting so bad. Kagat labing hinayaan ko ang maligamgam na tubig na dumaloy sa hubad kong katawan.
Hanggang ngayon pinapakalma ko parin ang sarili ko sa ideyang sinama niya ako sa penthouse na tinutuluyan niya.
Ngayon kasalukuyan akong nasa loob ng close and well-design shower na ito. Naikuyom ko ang mga kamay ko na nakahaplos sa dibdib dahil sa bilis ng t***k nito.
“Just relax, Bree. It’s nothing. Relax.” bulong ko sa sarili.
Bago pa masira ang isip ko sa ganitong isipan ay nagpasya na akong tapusin ang paliligo ko.
Laking pasasalamat ko dahil dinala ko ang bag ko na naglalaman ng ilang gamit ko. Sa ilang araw ay baka manatili kami sa probinsyang ito.
Pinili kong suotin ang isang peach sleeveless dress bago pinatuyo ang may kahabaan buhok. Habang nagpapatuyo ay inilibot ko ang paningin sa paligid.
I’ve been in different places like this but this place is too elegant and lavish. It has black sleek interior designs.
There is this huge glass shower, lots of glassand tile, multiple showerheads, luxurious bathtub, sinks and even an area where you can dress up and blow your hair.
Kumpleto at lalaking lalaki ang mga gamit. Even his place is very appealing and mysterious.
Tinapos ko agad ang pag-aayos at lumabas. Masyado nakakahiya ang pag-aabala ko sakanila. Ang magarbo at malaking kabuuan ng penthouse niya ang sumalubong sa akin palabas.
This place is glamor with a combination of black shiny tiles with white colorful additions and geometric patterns. The black shiny tiles reflect the light beautifully and illuminate the interior.
Sa malaking lugar, hinanap kaagad siya ng mga mata ko. Hindi ko alam kung sadyang malaki lang ang lugar o naliligaw ako kaya hindi ko siya makita.
Nasaan na siya?
Kinailangan ko pa siyang hanapin ng todo dahil pasikot sikot ng lugar.
Ang pagtahip ng puso ko ay muling naramdaman nang makita ko siyang bahagyang nakatalikod hindi kalayuan sa akin.
Ang isang kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng pants niya at ang isa ay nakahawak sa phone na parang may kausap. Nakatingin siya sa malaking salamin at pinagmamasdan ang mga ilaw sa dilim na ginagawang ng probinsya.
Mukhang naramdaman niya agad ang prisensya ko dahil sa pagtingin sa akin. Pakiramdam ko bawat tinititigan niya ako ay ibig sabihin ang mga ito pero hindi ko maintindihan.
What Am I thinking right now? It’s impossible! Ngayon lang kami nagkita ng lalaking ito.
Mabilis niyang tinapos ang pakikipagusap sa kung kanino. Humakbang siya palapit habang nakatitig sa akin. Gusto kong umiwas sa mata niya pero hindi ko magawa, nakakahipnotismo ang ganda ng mga ito.
“Follow me.” napapitlag ako pero hindi pinahalata. This is crazy! Was he too gorgeous for me?
Natagpuan ko nalang ang sarili kong sumunod sa kanya sa may biluging mesa. Napakurap ako nang makitang may naka-ayos na mga pagkain dito.
Umupo siya at inayos ang table napkin sa may kandungan. Nang mapansin niyang nakatayo parin ako ay muling natuon sakin ang mata niya.
“U-Uhm. I-I..” hindi ko alam kung anong gusto ko sabihin.
“Sit for a dinner.” It was a command. Ilang oras palang kaming magkasama pero parang magkakasakit na ako sa puso dahil sa kanya.
Dahil sa ayaw kong madagdagan ang kahihiyan na kasama siya ay sumunod nalang ako at umupo sa harapan niya.
This is really crazy! We’re having a late dinner together. Nagsimula na siyang kumain kaya kahit halos hindi ako makagalaw ay kumain na rin ako.
Tahimik ang bumalot samin sa buong oras na pagkain. Tanging tunog ng mga kubyertos lang ang maririnig. Hindi ko rin alam kung nangunguya o nalulunok ko ng maayos ang mga kinakain ko sa nerbyos.
Ilang minuto pa ang tinagal ng hapunan at pakiramdam ko mawawalan na ako ng lakas. Naramdaman kong ibinaba na niya ang kubyertos niya kaya napatingin ako sakanya.
Mariin akong napalunok ng magtama ang mata namin. Without breaking his deep eyes, he grabbed his wine glass and sipped on it. Sa sobrang intensidad ng titig niya ay ako na mismo ang umiwas.
Sa buong pagkain ko ay ramdam kong hindi niya inalis ang tingin sa akin kaya hindi ko alam kung paano ako natapos. Wala siyang sinasabi at mataman lang nakatitig.
Sa huli napausal nalang ako ng pasasalamat nang matagpuan kong palabas na kami sa hotel. Buti nalang nabigyan ko ng kaunti batirya ang phone ko kanina kaya napadalhan ko agad ng mga mensahe sila Sabrina at Alex.
Hindi ko alam kung alam ni Alex ang La Puertelo hotel na ito pero sana lang para sunduin ako. Siya lang ang pwedeng sumundo sa akin dahil nandito na rin siya.
Paglabas namin ay kaagad kong nakita si Mang Kaloy na nasa tabi ng itim na kotse. Patuloy lang ako sa paghakbang pero biglang nahinto dahil may pamilyar na boses.
“Bebs!” mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Mula sa likod ko ay nakita kong malawak ang pagkakangiti ni Alex. Kaagad nagliwanag ang mukha kong sinalubong siya.
“Alex!” ako na mabilis siyang yinakap. “You’re finally here!” dahil sa saya ay nakalimutan ko na ang mga pares ng matang nakatingin sa amin.
“Of course! Buti nalang may appointment ako malapit dito kaya nang matanggap ko ang mensahe mo ay kaagad akong pumunta.”
“Thank yo, bebs!” pasasalamat ko habang pinagmamasdan siya. It’s been awhile!
“You’re welcome. Anyways, bakit gabi ka nagbiyahe papunta dito? Akala ko sabay kayo ni Ina?” tukoy niya kay Sabrina.
Dahil doon bumalik ang isip ko lahat. Mabilis akong tumingin pabalik sa kanila. Kaagad nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero napalunok ako ng makitang medyo madilim na ang mukha niya.
Kusang gumalaw ang mga paa ko para lumapit. Ramdam kong sumunod sa akin si Alex pero ang atensyon ko ay nasa siryosong nakatingin.
“U-Uh.. thank you for helping me. I really appreciate it.” bahagyang nanginig ang boses ko sa paraan ng pagtitig niya. Umiwas ako ng tingin at kay Mang Kaloy napasalamat din. “Ah dito nalang ho ako. Salamat din ho.”
“Walang anuman, hija.” Nakangiting sagot niya.
Muling lumapit ang tingin ko sa kanya. “Thank you.”
“It’s nothing.” he simply replied.
Walang tingin siyang naglakad at pumasok sa sasakyan. Natulala lang ako habang nakatingin na sa papalayong sasakyan nila.
Mukhang may gagawin pa siya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko?
He is mysterious and intimidating but.. he was never cold, not until now. What happened?
“Hey Dabria sino ang gwapo na iyon?!” nabalik lang ang atensyon ko kay Alex ng marinig ang paipit niyang tili. “Gaga ka! Iba talaga beauty mo no? Kadarating mo palang pero boylet na!”
"Bakla talaga.." nakangiting iling ko sa kanya. Gwapo sana kaso may pusong babae din.
“Hoy hindi mo man ako sasagutin? Sino ang gwapong lalaking iyon?!” hinawakan niya pa ang magkabila kong pisngi para iharap sakanya.
Inarapan ko siya pero nang sumiksik sa akin gang tanong niya ay nanlaki ang mata ko.
“Dammit!” mura ko bago muling tiningnan ang direksyon na tinahak ng sasakyan nila.
Oh hell! Bakit hindi ko natanong ang pangalan niya?! Goodness, Dabria! Stupid!
What if our paths will never cross again? Sa unang pagkakataon, napausal ako ng hiling na sana.. sana muling magkita ang landas namin.
Please. Just this one, just this man. Let our paths cross again. Please..