I feel so cold and dizzy. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay parang mas gugustuhin ko nalang ipikit ang mata hanggang sa mawala ito.
"Ang tigas kasi ng ulo mo! I told you to wait for me!" malamlam kong sinalubong ang tingin ni Sabrina.
Tulad nang inaasahan ko ay nakabusangot ang maganda niyang mukha. Kadarating lang niya mula sa pagbisita sa mga magulang na nasa ibang bansa pero ganito ang sinalubong ko sa kanya.
"I'm fine, Sab. Lagnat lang ito." nagawa kong sumagot bago muling pumikit.
"Lagnat. Oo, inaapoy ka ng lagnat, Bree!" sarkasmong Segundo rin ni Alex na nasa tabi ng kama ko.
Hindi ko na nasundan pa kung ano ang usapan nila dahil mas pinili ko ang magpadala sa kadilimang lumukob sa akin.
Nakatulog ako at nang muling gumising ay kulay ginto na ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Pinakiramdaman ko ang sarili, kumpara kanina ay mas maayos na ako.
"Good thing you're awake.” Sumalubong sa paningin ko si Sabrina na may dalang tray. Naamoy ko agad ang masarap na pagkain mula doon.
"Hindi ka na nakakain ng tanghalian kaya pinagluto kita. Kumain ka para makainom kang muli ng gamot mo." seryoso niyang sabi saka binaba sa may maliit na mesa ang tray at inilapit sa akin.
"Thank you, Sab." paos kong pasasalamat nang tinulungan niya akong makasandal sa hinihigaan.
"You're welcome." simple niyang sagot bago muling naabala sa mga pagkaing nasa mesa.
Sabrina is my only girl best friend. Nagkakilala kami sa araw ng enrollment noong parehas kaming papasok sa kolehiyo.
"Miss Buencamine," tawag sa may cashier.
"Yes?" May naging kasabay ako sa pagsagot kaya napatingin ako sa kanya.
"Sorry. Dalawa nga pala kayong Buencamine." Imporma ng babae pero nanatili ang tingin ko sa magandang babae. "Miss Dabria Aerie Buencamine."
"Ow, it's you," ngiti niyang saad bago muling umupo.
We have the same family name but we’re not actually related to each other.
Simula noon ay naging magkaibigan na kami. Ang bawat isa ang naging katuwang namin sa lahat ng bagay. At mas lalo sigurong naging matibay ang pagkakaibigan namin dahil parehas kaming walang kapatid na babae. That's why we treat each other like sisters.
I got Lyron as my only and younger brother while she has Kuya Sajjine as her older brother. And speaking of her brother, Sabrina went here just to visit him too.
"Alex is not here. He got a call from his client, emergency. Baka mamayang gabi na makabalik dito." At muling pagkakarinig sa boses niya ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Thank you, Sab."
"Really, Bree? It's nothing, okay? Kain na." I smiled genuinely at her.
Sabrina Buencamine, a future veterinary doctor, an ideal and perfect girl for any man. She got the height and body of a model, she looks sexy with her long shiny black hair and smooth morena skin. She has her heart shape face, almond hooded eyes, proud nose, and these red adorable round lips. Noon pa man nakakasilaw ang ganda ng isang ito kahit na seryoso ang personalidad niya.
Pinanood niya akong tapusin ang pagkaing hinanda niya sa akin. Nang matapos ako ay tinulungan din niya akong magpalit ng damit bago bumalik sa kama.
Muli akong nakatulog ng hapong iyon. Nagising lang akong muli dahil sa pagyugyog ni Alex sa akin para sa hapunan.
Tulad kanina ay dinalhan nila ako ng pagkain. May dala rin sila ng para sakanila at sinabayan ako sa silid maghapunan.
"Paano na niyan? Hindi ka makakapunta sa lagay mo, Dabria." Tanong ni Alex noong patapos na kami sa pagkain.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Maayos na ang pakiramdam ko pero nanghihina pa. Baka mabinat at hindi ako tatagal sa dadaluhan event.
Tonight is the sponsorship event for different orphanages. How can I attend that party if I'm sick right now?
Ang pagtulong sa mga ampunan ay kinalakihan na ng pamilya namin. Malapit ang puso ni Daddy sa ampunan dahil pinaggalingan din niya ito. Kaya noon pa man ay kasama na sa pamumuhay namin ang pagtulong sa mga ito.
"Hindi ko alam. Baka hihingi nalang ako ng listahan at impormasyon ng mga ampunan para makapili ng tutulungan." This is the main reason why I am here but it seems like I wouldn’t make it to the event.
"Sabrina bakit hindi nalang ikaw ang pumunta para sakanya? You know how this event works."
Napatingin kami kay Sabrina. Marami din silang charity ng pamilya niya at hindi na nga bago sa kanya ang kalakaran sa ganito. May iilan sa mga charity na siya mismo ang pumiling tumulong.
"Sure. Basta ba samahan mo akong bisitahin si Kuya Sajjine bilang kapalit, Bree." A smile appered on my lips.
"Of course, Sab! Thank you!" masaya kong tugon. She's really my angel!
Bago pa lumalim ang gabi ay inayusan na siya ni Alex. Maayos na ang lagay ko at baka bukas lang wala na ang konti pang hilo na nararamdaman.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang magandang ayos ni Sabrina. Mas lumutang ang kagandahan niya sa magaling na kamay ni Alex.
She's seductively stunning wearing this shiny bloody red backless dress with side slit and her stilletos. A little spray of her branded perfume and she's ready to kill the night.
"Thank you. Take care and enjoy the night, Sab." huli kong sabi bago siya tuluyang umalis.
Ilang kilometro ang layo sa condo na pagmamay-ari nila Sabrina ang pagdadausan ng event. At dahil sa buong araw ko na pagtulog ay nasamahan ko si Alex na manuod ng mga palabas habang hinihintay ang pagbalik ni Sabrina.
Ilang oras lang ang lumipas ay dumating na siya. I bet she didn’t finish the party.
"How's it? How's your night?" salubong ko sakanya.
"Fine. Nothing much happened," sagot niya at may binigay folder sa akin. Siguradong ito ang napili niya ampunan. "I'll just change."
Hinayaan ko siyang magpalit habang binasa ang detalye ng bagong matutulungan na ampunan. Kinilatis ko at hindi ako nabigo kay Sabrina. I must say that she’s really good in choosing charities.
Maliban sa Holy Mary Orphanage, kung saan nanggaling si Daddy, may panibagong madadagdagan na ampunan na kami ang isa sa major sponsor.
Angels Home Orphanage. Based on the summary, it was a large place for abandoned children. Nagkaroon ng malaking sunog dito kaya kinailangan ilipat ang ilang bata sa ibang ampunan dahil hindi na matustusan ang pangangailangan. At hanggang ngayon ay kinakailangan pa rin ng tulong.
My heart has a special place for children. Siguro dahil na din sa impluwensya ni Daddy. Mahirap ang buhay nila na walang pamilya kaya kahit sa ganitong paraan ay makatulong.
Naunang natulog sa amin si Alex. Ilang minuto lang kumatok ako sa pinto ng silid ni Sabrina. When I heard her saying to come in, I instantly opened the door and entered it.
Tapos na siya at nakasuot na ng roba. Nakaupo siya sa upuan kaharap ang vanity mirror. Sa ayos niya mukhang katatapos lang niyang magpatuyo ng buhok.
"Thank you again, Sab. Sa pagsalo sa akin sa event." I said and hugged her.
"Seriously it’s nothing. Basta ikaw Bree." She looked kinda serious but managed to pull a smile. Nanatili kaming tahimik ng ilang segundo bago ako kumalas sa kanya.
"You must be tired. Hindi na kita guguluhin pa nang matagal para makapagpahinga. Maaga pa tayo bukas para bisitahin si Kuya Sajjine."
Sa mata niya parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung itutuloy niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago hinawakan ang kamay ko.
"Wait. I just need to tell you something." Bahagyang nawala ang ngiti ko nang hilain niya ako sa may kama at parehas umupo sa gilid.
"May nangyari bang hindi maganda?" kabado kong tanong na agad niyang inilingan.
"Not really. It's just that I met a very.. well, uhm.. a very strange man. He’s too mysterious for me." Ang kaninang kaba ko ay napalitan ng pilyang ngiti.
"You like him?" malisyoso kong tanong ngayon sa kanya na agad niyang kinunutan ng noo.
"No, Dabria! I don't! I just really find him strange and quite scary."
Nakakalito ang sinasabi niya, hindi ko alam kung magandang deskripsyon ba iyon sa lalaki o hindi.
"Why? Did he say something to you? O, may ginawa ba sayo?" muli kong tanong na inilingan niyang muli.
"Wala naman pero kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa kanya, hindi masyadong maganda,” hindi ako nagsalita. "Pinili din niya ang ampunan na pinili ko. Baka magkita kayo kung sakali dahil doon."
"Ow.." I mumbled. "Maybe he likes you, Sabrina." Muling bumalik ang ngiti ko. She's gorgeous so it's not a surprised anymore.
Isang mabigat na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan bago mas tumitig sa akin.
"I don't know, Bree. But I don't like it. His presence is too much to handle. He’s really intimidating and scary in a certain way."
"What is his name?" I asked.
"Mr. Saldevar.."
"Mr. Saldevar?" ulit ko. The name sounds a bit familiar. Inisip ko pero sa huli baka narinig ko lang sa kung saan.
"Yeah. He introduced himself as Mr. Saldevar. Mr. Xavion Saldevar if I still remembered it correctly."
Mr. Xavion Saldevar, he must be very charismatic. He got Sabrina's attention.