Kabanata 4

1901 Words
It was before lunch when we met Kuya Sajjine in a restaurant. Mukhang may naging maagang lakad pa siya bago niya kami tuluyang kitain. "Oh my.. bakit sa bawat kita natin ay mas lalo ka yatang gumaganda, Dabria?" Sabrina groaned because of her brother's remark. Pagak akong tumawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kapilyuhan nii Kuya Sajjine. Isa ito sa dahilan kung bakit agad kaming nagkapalagayan ng loob. Unlike Sabrina, Kuya Sajj is more lively and funny. Iyon lang ay hindi rin matatawaran ang reputasyon niya sa mga babae. With his charm, he can easily lure his prey. "At ikaw naman mas lalong tumatamis ang dila mo kapag nagkakausap tayo, Kuya." I said as I smiled at him even more. He's my spirit animal, minus the playboy thing. "Hmm how did you know that? Wanna taste it just to make sure?" Sa halip na mainis ako sa biro niya ay sabay kaming napahalaklak sa kalokohan niya. Si Sabrina ay nanatiling busangot sa aming dalawa. "Kuya I'm warning you. Not my best friend." Sab possessively stated. "Why? You don't want the idea of her being your sister-in-law? Ikaw din maagaw pa ng ibang lalaki ito." patuloy na biro ni Kuya. "Shut it, Kuya. Hindi ko hahayaan sa kagaya mong babaero humantong ang kaibigan ko." Seryoso pa ring sagot ni Sabrina na mas nagpatawa sa kapatid. “Oh come on ‘lil sis don’t be like that.” Nanatili lang akong nangingiti sa away nilang dalawa. A serious gal versus a funny playboy. "You're too serious. Ikaw din baka hindi ka magkaboyfriend niyan sa sobrang pagkaseryoso mo." Makahulugan akong tumingin kay Sabrina. Hindi alam ni Kuya Sajjine na kagabi lang ay may naikwento sa akin ang kapatid niya. Hindi ko alam kung gusto niya ang naturang lalaki o ano kaya bigla din akong nagkainteres na makilala ang lalaking nagparamdam ng kung ano sa kanya. Nagpatuloy ang masayang kwentuhan na madalas sa pagitan lang namin ni Kuya Sajjine. Si Sabrina ay nakikisali minsan pero sadyang seryoso. Minsan ko ring napapansin na may kung anong kinakalikot sa mobile phone niya na mas nagpapaseryoso sa ekspresyon niya. "Bisitahin ninyo ako madalas. I feel so lonely and unloved." drama ni Kuya Sajj nang magpaalam na kami sa isa't isa. Hapon na at wala siyang ginawa kung hindi kami ipasyal sa kabuuan ng Plaza Puertelo. Binilhan niya kami ng mga pasalubong para sa pag-uwi namin bukas ng umaga. "We don't need to do that. Marami kang babae kaya paniguradong hindi mo nararamdaman ang lungkot." ganti ni Sabrina sa kanya na agad naman kinatawa nito. "I will miss you too, baby sis." Nakangiting hinila niya ang kapatid at niyakap ng mahigpit. "Take care of yourself, okay? At magboyfriend ka na rin. Ipakilala mo sa akin nang agad makilatis." "Whatever, Kuya!" naiinis na tinulak nalang niya ito. Her brother kissed her cheek and forehead before he turned to me. Hindi nawala ang ngiti ko kahit pa hinila na rin niya ako at niyakap. "You too, beautiful. Take care. Tandaan mo na bawal kang magkaboyfriend. We will make it work." "Kuya! Stop flirting with Bree!" Inilayo niya ako sa gaya ng Kuya niya. Parehas kaming tumawa dahil pakiramdam ko anong oras sasabog na sa inis si Sabrina. "Stop it, Kuya. Sab will kill us both." Sa huli, humalik na lang din siya sa akin bago kami tuluyang umalis. Isa iyon sa masayang pagbisita namin sakanya. Pagdating sa condo ay nagpahinga lang kami sandali bago nagkayayaan sa isang malapit na mall. Inubos namin nag natitirang oras sa pamamasyal sa naturang probinsya. And I must admit, this Puertelo del Sol has a lot of things to offer. Hindi lang Siyudad del Sol ang maipagmamalaki. Sa ibang parte ay may mga beaches at falls din ayon kay Alex. We were exhausted that day. Mas maaga kaming natulog kaya maaga din ang naging gising naming kinabukasan.Mauuna kaming uuwi ni Sabrina. Si Alex ay maiiwan pa ng dalawang araw dahil may tinatapos pa. Pinasabay na lang ako ni Sabrina sa kotse nila, kasama namin ni Mang Peyo, ang family driver nila. Dahil kagagaling lang niya sa pagbisita sa magulang noong nakaraan ay hindi na siya pinayagan ni Kuya Sajjine na magmaneho. He asked Mang Peyo to accompany her. See? He’s playful sometimes but he is totally a loving brother to Sabrina. Ang kotse ko ay maiiwan kay Alex. Pinagawa na at pinakalikot nang maayos kaya nasa maganda ng kondisyon. Alex is an architect. Nakilala namin siya ni Sabrina noon sa isang club. Tulad namin, nagtugma ang mga ugali namin kaya nasundan pa iyon ng ilang beses hanggang sa maging matalik din namin siyang kaibigan. Matagal ang naging biyahe namin. Kwentuhan at huminto kami sa isang kainan para sa tanghalian. Matapos nito ay pareho din kaming nakatulog ni Sabrina sa buong biyahe. Nang malapit na ay sakto ang naging gising namin. Mang Peyo is really a big help to us. "Thank you so much, Sab." Niyakap ko siya ng mahigpit nang makababa na ako sa sasakyan Nagpahatid ako bahay namin dahil gusto kong makamusta ang kapatid. "You're welcome. I'll see you tomorrow." Nakangiting umalis siya sa yakap at humalik sa pisngi ko. "Yup. See you. Take care, Sab. I love you." malambing kong sabi na nagpangiti sa kanya. "I love you too, Bree. Bye." hinintay kong makaalis ang sasakyan nila sa tapat bago ako pumasok sa malaking gate. Our house is too big for me and my brother. Masyadong tahimik pero ang mga naging alaala namin dito ang binabalik-balikan ko. "Nay Betty nandito ho ba si Ray?" tanong ko sa kinalakhang ginang nang yumakap mula sa likuran niya. Isa siya sa mahalagang miyembro ng pamilya maliban pa kila Tita Elizabeth. "Kaaalis lang kanina, anak. Ayos lang ba ang kapatid mong iyon? Parang napansing kong habang  tumatagal ay lumulungkot siya." mariin akong napapikit. It's been a year now. "Baka ho.. hindi pa masyadong matanggap ang nangyari.. kay Daddy." garalgal kong usal at sinubsob ang mukha sa balikat niya para pigilan ang pangingilid ng luha. Me too. I miss my father so much. And no matter what is the real reason behind that tragedy, I still love him. It pains me, but I still love him. "Pasensya na, Dabria. Nag-aalala lang din ako sa kapatid mong iyon," medyo nalungkot siya dahil siguro nahimigan niya ang panginginig ng boses ko. "Oh, ano nga pa lang nangyari sa pinuntahan mo? Kumusta naman ba, anak?" kahit paano ay muling bumalik amg sigla ko dahil doon. Kinuwento ko ang iilang detalye sa bagong ampunan na tutulungan namin. Hindi ko na binaggit sa kanya ang nangyari sa pagkasira ng sasakyan at pagkakasakit ko dahil alam kong bibigat lang ang loob niya. Tumagal ang usapan naming ni Nag Betty ng ilang minuto bago ako nagpasyang umakyat sa silid ko para maligo at makapagpahinga. Napapikit akong dinama ang init sa katawan. Ang pagdaloy ng tubig sa hubad kong kayawan ay nagbalik sa alaala ng gabing iyon. Ano kaya ang pangalan niya? Kumusta na siya? Magkikita pa kaya kaming muli? Hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang dahil maging ang pangalan niya ay hindi ko man nakuha. Kung sanang hindi ako masyadong natulala sa kanya ay baka gumana ng maayos ang isip ko. What a shame. Matapos maligo at makapagbihis ay sakto ang pagkatok ni Nay Betty. Naghahanda siya ng meryenda at binalita ang pagdating ni Ray, ang nagkakabatang kapatid. Lumabas ako at tinahak ang daan sa silid niya. Pagbukas ng pinto ay ang pahinto-hintong tunog ng gitara niya ang sumalubong sa akin. "Hi." Nakangiti kong bati sakanya pero nanatili ang walang ngiting ekspresyon niya. "Dabria." Ibinababa niya ang gitara para ituon ang atensyon sa akin. "Dabria? It's Ate, Ray." irap ko bago siya niyakap ng mahigpit. "How are you?" I asked, still, hugging him. "I don't know. I guess, trying to be okay." nanikit ang puso ko lalo pa nang gumanti siya ng yakap sa akin. "Magiging maayos din ang lahat." bulong ko. ALam ko kung gaano kahirap sa kanya ng sitwasyon pero alam kong makakaya niya, namin. My father will never do that. Binabalikan ko ang mga panahon kung gaano niya binuhos ang pagmamahal niya sa amin. Lahat ng alinlangan ko ay nabubura. My Dad loves us so much. Kaya alam ko, hindi rin naging madali sa magulang namin ang lahat. "Hindi ako makalapit sa kanya, Ate." mas lalo akong napapikit sa pagod niyang boses. At ngayon, mas lalong naging mahirap ang sitwasyon namin dahil sa babaeng parte ng pamilyang iyon. After that accident, everything is a mess. We are trying to accept and live with it. Pero alam ko, mahihirapan kami lalo na sa sitwasyon niya. "Bakit, Lyron? Pinigilan na kita noon? Alam mo kung gaano kahirap ito. " ngayon ay nanginig na ako kasabay ng mga luha sa mata ko. Hindi ko na pinigilan pa, sa mga oras na iyon iniiyak kong muli ang lahat kay Ray. Pagod na ako. Pagod na akong itago sa mga ngiti ang sugat ng nakaraan. I cried everything to him. Nang makabawi ako sa pag-iyak ay agad akong humiwalay sa yakap para matitigan siya. My brother is too young for all of these. Kung pwede lang na akuin ko ang lahat ng hirap at sakit. I would gladly accept it. "Aalis ako mamaya. Susubukan kong puntahan ulit siya.." bulong niya na hindi na nakatingin sa akin. "Ray.." gusto ko siyang pigilan na tumigil na siya pero alam ko malabo na ito. "Ayos lang ako, Ate.  Hindi ko hahayaan na ilayo siya sa akin." isang matatag niyang sabi na mas nagpasikip sa dibdib ko. Sa mga oras na iyon nakita ko ang paninindigan sa kanya. At alam kong kahit anong mangyari, gagawin ko din ang lahat para maprotektahan siya. Whatever it takes. Kinabukasan, naging abala ako sa mga iilang sketches at designs na ipapasa ko. Nang matapos ako ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na puntahan si Sabrina. May mga kilalang istudyante ang bumabati sa akin sa hallway hanggang sa college of Veterinary Medicine. "Lasha si Sabrina?" ngiting tanong ko sa isang kakilala. "Hi Dabria!" nakangiting lumapit siya sa akin. "Nako hindi ka maniniwala! May lalaking napakagwapong pumunta dito kanina! Hindi ko alam kung lumabas sila pero pagkakarinig ko ay niyayayang lumabas si Sabrina pero dahil may pasok pa baka hindi pumayag! Lumabas sila pero hindi ko lang alam kung saan!" mahaba at kilig niyang sagot. I remained silent for a second. Someone is courting her? Bakit hindi ko alam?! "Ganoon ba? Sige tingnan ko na lang siya sa labas. Thanks, Lash. Bye!" malapit lang sa main gate ang lugar kaya hindi ako natagalang lumabas. I have hours of vacant. We usually have our snacks together. Kung may nagyayaya sa kanya lumabas baka hindi niya ako masasamahan ngayong araw. Naging malikot ang mga mata ko pagkalabas ng gate. Nasaan na sila? Sino kaya iyong sinasabi Lasha? Walang siyang nabanggit sa akin, maliban sa Mr. Saldevar. May iilang istudyante ang nasa labas. Ang mga ito ay hindi pangkaraniwang nakatingin sa isang direksyon. Agad ding naagaw ang atensyon ko sa direksyon ng tinitignan nila. Right there, just a meter from us, I saw Sabrina with her white uniform standing next with a man wearing his formal attire. They were beside this very expensive car. I was about to call Sabrina but then my eyes darted to this familiar man. My lips parted as my heart started to flutters. This man.. It's him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD