Mas tumindi ang t***k ng puso ko nang masiguro ang mga detalye sa itsura ng naturang lalake.
The man who helped me that night.
The man I had my dinner with.
The man with dark and dangerous eyes.
It's him.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong natigilan at natulala sa kanya. Kahit kasama niya si Sabrina ayhindi humiwalay ang mga mata ko sa mukha niya.
Magkakahalo ang mga emosyon na rumaragasa sa akin. Is it even possible? I feel shock, happy, and confuse.
Sabrina's lips are moving as if she's telling something to him. Pero nang makita niya ako ay nahinto siya at agad na ngumiti sa gawi ko.
Dahil doon, napatingin din siya sa direksyojn ko. My breath hitched when I saw the familiarity in his dark eyes. Kung nagulat man siya sa pagkakakita sa akin ay hindi halata dahil sa kaseryosohan ng ekspresyon na mayroon siya.
Muling tumingin si Sabrina sa kanya at may sinabi bago umalis para mapuntahan ako. Our eyes never left each other.
"Bree.." si Sab nang makalapit sa akin. "Vacant mo na, hindi ba?" napalunok ako at doon lang humarap sa kaibigan.
"Y-Yeah. I was looking for you." mababaw kong usal at muling bumalik ang paningin sa lalaki. Mukhang napansin ito ni Sabrina dahil sa muli niyang pagsasalita..
"Uh Dabria may ipapakilala ako sa’yo." bago pa ako makabawi sa pagkakabigla ay nahila na niya ako papalapit sa lalaki.
My legs are trembling. What is this? What are these feelings? Ganito din noong una kaming nagkita.
Halos pigil ang paghinga ko sa paglapit naming sa kanya. Hindi rin nakatulong nang makitang nakatigtig lang ang malalim niyang mata sa akin.
"Xavion, I would like you to meet my best friend, Dabria," simula ni Sabrina. "And Bree, this is Xavion. Mr. Xavion Saldevar."
My lips parted. Mr. Xavion Saldevar? Hindi ba’t iyon ang pangalan na sinabi niya noon sa akin? Ang lalaking nakilala niya sa sponsorship event?
"Xavion Saldevar. Please to meet you, Dabria." He smoothly stated as he held his hand for me.
"Dabria. Please to meet you too." kabado kong sabi at tinanggap ang pagkamay niya.
His hand feels so rough and large against mine. Para bang kayang kaya niyang hawakan kahit ang dalawa kong kamay.
I stared at him. He's really manly with his muscular body and smooth tan complexion. His jaw lines are sharp just like his darkly hooded eyes.
Sabrina is right. He's too much too handle but his aura is addicting to me. Para bang may kakaiba sa kanya na hinihigop ako para mas gustong makilala siya. Or maybe I am just really thankful when he saved me that night.
Narinig ko ang tikhim ni Sabrina dahilan para alisin ko ang parehong tingin at kamay sa kanya.
"Bree, you want to join us? Hindi ka pa nakakain, hindi ba? May dalawang oras kang vacant. Sumama kana sa amin." paanyaya niya kaya muli akong napatingin kay Mr. Saldevar.
Now, he looks darker than usual. Ni hindi ko magawang basahin siya dahil sa kadilimang bumabalot sa mata niya.
Sa ilang segundo pumasok sa isip ko ang mga salita ni Lasha kanina. Nasabi niya na may nagyaya kay Sabrina. So, it was him. Nakaramdam ko ang kakaibang pakiramdam na gumihit sa dibdib ko dahil sa naisip.
"U-Uh, pwede naman ako sa campus Sab--." she cut me off.
"No, Bree. Sumama ka na lang sa amin." hinawakan pa niya ang kamay ko bago seryosong tumingin sa kanya. "She can join us, right?"
"Sure." sagot ni Mr. Saldevar na ngayon kay Sabrina na nakatingin.
Dahil doon natagpuan ko n alang ang sariling sakay na rin ng magarang niyang sasakyan. Sa likod ako nakaupo habang sa harapan silang dalawa. Masyadong tahimik ang naging biyahe namin. Naging kakaiba ang klase ng hangin sa pagitan namin.
Sa isang snack house na malapit sa unibersidad ang naging destinasyon naming. Hidin kami pwedeng magtagal sa dalawang oras dahil may pasok pa kami ni Sabrina.
We seated in a round table. Tama lang ang laki nito para sa tatlo. I ordered my usual pasta and drink. Sinubukan kong hindi mapatingin sa kanya kahit pa ramdam ko ang iilang mga titig niya sa akin, tulad noong gabing nakasalo ko siya sa hapunan.
Sa unang pagkakataon parang umurong ang dila ko sa pagsasalita. Madalas hindi matigil ang bibig ko kapag lumalabas kami ni Sabrina, iyon din ang dahilan kaya gusto niya akong kasama lagi. No dull moments for us.
Ngayon, kahit ang pagkain ko ay pakiramdam ko hindi ko maayos. Mukhang napansin ni Sabrina ito kaya hindi nawala ang atensyon niya sa akin.
She cleared her throat. "Are you done with your designs, Bree?" kaagad naman akong ngumiti ng malawak sa kanya para mawala ang kaba ko.
"Yeah. And there's a lot more to come." magiliw kong sagot sa kanya na nagpatawa sa aming dalawa.
"You're taking up?" natigil lang ang tawa namin sa malalim niyang boses kaya muli kaming nagkatitigan.
May ilang segundo akong natulala bago ko nagawang sumagot sa kanya.
"A fashion designer, BFTech." Even if my heart is beating so hard, I didn’t shutter answering him.
This is our last year in college. Apat na buwan na lang ay magtatapos na ako sa kursong Bachelor of Fasion Technology. Si Sabrina naman ay isang veterinarian.
Mabilis na tingin lang ulit ang binigay niya bago lumipat ang buong atensyon niya kay Sabrina.
"And you'll be a vet, soon?" siya na binigyan ng malalim na tingin at pinagmasdan pa ang mukha ni Sabrina.
Napalunok ako at iniwas na ang tingin sakanila. Maybe, he likes my best friend.
Hanggang sa pagbabalik namin sa unibersidad ay iniisip ko ang tungkol sa kanya, ang sa kanila ni Sabrina.
Masyado ba akong nadala noong unang nagkita kami? Tinulungan niya ako sa gitna ng ulan. Hinayaan niya akong makapagpalit ng damit sa lugar niya. At nagsabay kami sa isang hapunan.
Siguro nga, wala lang iyon at masyado lang akong nakaramdam ng kasiyahan sa pagtulong niya sa akin. O baka hindi man lang niya na ako naaalala. Baka namali lang ako kanina na akala ko ay pamilyar ako sa kanya.
Nagpatuloy ang araw ko kahit pa madalas sumasagi pa rin sa isip ko ang lahat. Hindi rin nakatulong na nalaman kong ilang beses pa niyang niyaya na lumabas si Sabrina pero dahil sa abala na ang kaibigan ay tinatanggihan niya ito.
"I told you before, Bree. I don't like his aura. Hindi ko maintindihan pero hindi ko tipo ang gaya niya. Masyado siyang misteryoso at parang masekretong tao." Iyon ang huling nasabi ni Sabrina sa akin sa huling naging usapan namin tungkol sa kanya.
Sa totoo lang, wala akong ideya kung totoo ang mga sinabi ni Sabrina dahil ngayong gabi na natawagan ko siya ay kasama pala niya ito para sa isang dinner. Or should I say, dinner date.
"Uh huwag na, Sab. May gagawin ka pala. Hintayin ko nalang si Mang Samson para masundo ako." tukoy ko sa nag-iisang family driver namin.
Gabi na at medyo umaambon. Nandito ako sa isang mall dahil may tinignan akong mga tela. Hindi ko napansin na inabutan na ako ng gabi sa sobrang kaabalahan ko.
Pwede sana akong magcab pero malayo pa ang lalakarin ko at nagsisimula na ang ulan. Isa lang si Mang Samson na driver namin sa bahay dahil kami lang din dalawa ni Ray ang hinahatid o sundo.
Tumawag ako sa bahay at nalaman kong nagpamaneho si Tita Elizabeth sa kaya para pumasyal sa isang amiga niya. Hanggang ngayon hindi pa sila nakakabalik.
Hindi rin pwede ang kapatid ko. Sanay man magmaneho si Ray ay hindi ko hinahayaan na magmaneho siya dahil minor de edad pa lamang.
"It's alright, Bree. We can pick you up." bumalik ang atensyon ko kay Sabrina na nasa kabilang linya.
She has a dinner with Mr. Saldevar tonight and I called her. I don't want to ruin their dinner. Siya na lang kasi talaga ang naisip ko na susundo sa akin. Bad timing pa.
"Sab ayos lang. I'll take a cab."
"Wait for us and maybe you can join us for dinner." napalunok ako. Tatangi na sana ako pero agad na siyang nagpaalam at binaba ang tawag.
Nang huminto ang pamilyar at maganda kotse hindi kalayuan ay mas natanto ko na sana hindi ko nalang hinayaang mangyari ito.
I feel so unfit. His black expensive car is so shiny. Lumabas si Sabrina doon kasabay niya. They look expensive too.
Sabrina is wearing a fitted black spaghetti strap dress with her well-blended night makeup.
Beside his car, Mr. Saldevar looks powerful with his usual dark and dangerous eyes. He's wearing a formal black polo with his dark blue necktie.
Napalunok ako. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pangliliit. I'm wearing a peach color dress which is very opposite of their vibes now. Suot ko na ito kanina pang tanghali kaya baka mukhang pagod at magulo din ang itsura ko.
"Hi." nakangiting lumapit si Sabrina. Mabilis siyang yumakap at humalik sa pisngi ko. "Let's go, Bree." aya niya pero hindi ako nakagalaw.
"Uhm Sab may gagawin pa kayo. Dapat--." Pinutok agad niya ang sasabihin ko.
"Bree let's go. It's nothing. Saka simpleng hapunan lang naman ito, walang malisya. Isasama kita para rin maging komportable ako." seryoso niyang sabi.
Wala na akong nagawa nang ikawit niya ang kamay sa braso ko papunta sa kotse. Nagawa kong ngumiti at bumati sa kanya bago niya pinagbuksan ng pinto si Sab at ako sa likuran. Inipon ko lahat ng lakas ng loob para hindi mamangha sa kakisigan niyang taglay.
Tulad noon, naging tahimik ang biyahe sa pagpunta sa restaurant. Napapaisip ako kung ganito rin ba katahimik ang biyahe nila kapag hindi ako kasama? I just bit my lip and kept my eyes outside the window.
Sa isang sikat na restaurant ko nalang natagpuan ang sarili namin. Dapat talaga hindi nalang ako sumama. Sa sobrang elegante ng lugar parang hindi ako dapat nandito.
Nanatili lang na tahimik si Mr. Saldevar pero nandoon ang mga malalim niyang titig. Nang dumating ang pagkain ay nagkaroon ako ng pagkakataon na ibaling ang atensyon dito. Hindi ko napansing gutom na din ako dahil sa ginawa ko ngayong araw. Tanghalian pa ang huli kong kain.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay may nasimulan kaming usapan ni Sabrina. NJi hindi ko napansin na nagtatawanan na kaming dalawa kaya nawala ng kaunti ang alinlangan ko.
Nagpatuloy lang iyon hanggang sa naramdaman kong kailangan kong gumamit ng restroom.
"Uhm restroom lang." paalam ko kay Sabrina dahil masyado ang intensidad ng titig niya sa bawat kilos namin.
Nang tumango si Sab ay mabilis akong pumunta ng restroom. Hindi ganoon karami ang tao sa loob kaya naging mabilis lang ang naging sadya ko at lumabas.
Nakangiti akong naglalakad. Sa daan pabalik, may mga malalaki at eleganteng glass wall sa pagitan ng dalawang bahagi ng restaurant. Akmang liliko na sana ako pabalik sa lugar naming pero natigil dahil sa pamilyar na boses.
"She's always with her best friend. I can't talk and make my move on her." he coldly stated.
Sa sobrang lamig noon, naramdaman ko rin ang panlalamig ng sikmura ko. Ang kaninang ngiti ko ay tuluyang nawala.
Hindi ko na alam kung paano natapos ang usapan nila ng nasa kabilang linya. Maging ang detalye kung paano ako nakasagot sa mensahe ni Nay Betty patungkol sa pagdating ni Mang Samson ay hindi ko na matandaan.
Nagpasundo ako, iyon nalang ang huling tumatak sa isip ko bago ako nakabalik sa mesa at pilit na ngumiti kay Sabrina.
I refused to look at him. Kahit pa noong lumabas na kami at saktong pagdating ni Mang Samson ay pinanitili ko ang ngiti.
Hindi na nagtanong pa si Sabrina sa biglang pagpapasundo ko dahil magkaiba ang magiging daan namin pauwi. Masyado na akong nakakaabala kung papahatid pa ako.
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan naman ay tuluyang nawala ang ngiti ko. Itinuon ko din ang mata sa labas dahil sa pag-iinit nito.
Maybe, I should stop meddling with them. Kung ano man ang nangyari sa Puertelo del Sol ay mananatiling doon na lang iyon.