Noon ko nalaman kung bakit muling naging magaan ang lahat sa pagitan namin ni Kuya Sajjine. He met Ray. Hindi sinasadyang nagkita sila sa isang restaurant kung saan parehas silang may business meeting. He told me that they had a private talk. Hindi na palaisipan pa ang maaaring naging usapan nilang dalawa. Sa paraan nang pakikitungo niya ngayon sa akin ay alam kong may nakuha na siyang paliwanag sa naging pagkawala namin. It didn't bother me though. I knew my brother more than anyone else. He's wise and careful, especially when it comes to us. Kung ano man ang nasabing dahilan ni Ray, nagpapasalamat ako na muling maramdamang unti unting umaayos ang lahat. "He grew more than I expected. To think that he's running an empire now." halo ang pagmamalaki at kasiyahan sa gwapo niyang mukha.

