It was so strange to see him here. Wala akong ibang maisip na maaring dahilan nang pagparito niya. Una sa lahat, hindi siya parte ng kung anong team sa set na ito. Pangalawa, his sister is in another location for her shoot. He's managing her career now, right? Kung ang kapatid niya ang pakay niya ay dapat wala siya rito. Mabilis kong inalis ang isipan ko sa kanya. Why would I bother myself for someone like him? As long as he stays away from me, we're good. It was a good thing that he never tried to approach me. Kaya lang, ilang minuto rin siyang naging usapan ng team ko at maging ng ibang kasama sa campaign. Ang ilan sa may mataas na posisyon ay kilala siya. Ang ilan naman ay alam siya bilang nakakatandang katapatid ni Tamara, na kilala ring sikat na modelo. May mga ilan din na iniisip

