May bagong balita sa aming college na patungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaki. Ito ay hindi tungkol sa amin ni Onse. Isang hindi pa kompirmado na relasyon na siyang malalaman din namin sa huli. “Lint, hindi kita kilala ng personal at bilang kaibigan. Hindi tayo close at may alitan tayo ngunit bilang kagrupo mo ay gusto rin kitang pagsabihan. Siguro ay baguhin mo ang sarili mo, lalo na ang attitude at ang mindset mo. Ikaw lang kasi ang kawawa at hindi iyun nakakatuwa,” hindi ko inaasahan na payo mula kay Kokoy habang ako ay nagiging marupok na naman. Isa nga siya sa aking mga bagong kagrupo. Unti-unti ko na rin siyang nakilala at tila ba nagiging mabuti ang aming uganayan. Karaniwan na talagang nagiging magkakaibigan ang isang grupo kaso may alitan kami. Nakakatuwa lang talagang makar

