Labis ang aking pagtitiwala sa barkada kong Koshi. Ang aming alitan ni Onse ay umabot sa aming groupchat. Nadamay ko pa si Issah pagka't ginamit ko ang kaniyang account. Alam naman niya. Gusto ko kasi na iba ang magsabi nang pagkikipaglandian ni Onse. Lahat talaga ay gagawin ng Koshi para sa akin. Sa sumunod na araw ay bumisita muli ang mga kaibigan ni Freya sa kanilang bahay. Ang kaniyang lolo ay namasahe kaya ang lahat ng kaibigan niya ay komportable. Ako ay pumunta na rin upang makipagtawanan at makikisabay sa tanghalian. “Wala na palang bigas,” pansin ni Freya habang hawak ang rice cooker. “Ay, tamang-tama at dumating ka Lint. Ikaw na lang bumili at ikaw na rin magbayad, palitan lang.” Hindi pa ako nakakapasok kaya ako ay bumili na lang. Malapit lamang ang tindahan kaya walang pro

