“May bakante pa bang kwarto diyan sa inyo?” Katanungan ko kay Tikoy sa chat habang dumidilim na ang araw. Nararamdaman ko na parang nasasabik siya sa aking katanungan. “Ano? Lilipat kayo rito ni Onse?” “Ako lang, umalis na ako sa boarding house namin.” “Ay, bakit naman?” Biglang nag-iba ang tono ng kaniyang boses. In case lang naman na wala kaming mahanap bukas dito sa Plang Village. Napatawag din ako kay Tikoy upang mag-share. Para sa akin ay isa siyang true friend na pwedeng pagkatiwalaan. Kung alam niya lang na isa rin siya sa naging dahilan nang nangyari. “Sorry, walang bakante!” “May roommate ka na ba?” “Next year pa aalis after ng graduation nila.” “Oh siya, thank you!” Tinawagan ko naman si Alpha upang maibaling ang aking nararamdaman. Mabuti naman at hindi siya busy. Nala

