Ang magagandang dilag sa aking puso na si Sandara at si Katarina ay nakilala nang minamahal kong si Onse. Noong isang araw habang kami ay naglalakad Avenue Street upang umuwi ay abot-langit ang aking ngiti. Bigla ko na lamang nakasalubong ay may matamis na ngiting si Katarina. Ako ay kinikilig pa rin at wala pa ring kupas ang kaniyang kagandahan. Tila ba ang aking paghanga para sa kaniya ay hindi pa rin nagbabago kahit na mayroon na siyang sariling pamilya. “Si Onse,” pagpapakilala ko. Nalaman kong lumisan na ang asawa ni Katarina kaya nagkaroon ako nang pag-asa. Hindi ko batid ngunit siya pa rin ang gusto kong babae. Ang aming biglaan na pagkikita ay sandali lamang dahil sa madilim na. Masayang-masaya naman para sa akin ang kasama ko. Handa raw siya sa balang araw na piliin ko ang tam

