Sa mga sumunod na araw ay nasa bagong bahay na nila kami. Minsan lang kasi umuuwi ang kapatid niyang nag-aaral sa Kidapawan. Kaming dalawa lamang roon sa isang kwarto at sa isang kwarto naman ang kaniyang mga magulang at babaeng kapatid. Opo, nagkaayos na po ang kaniyang mga magulang. Legal wives is real! “Anak kong Onse, huwag mong inaaway si Datu Lint ba. Nakakaawa siya oh! Tignan mo at umiiyak na naman,” pag-aalala ni Ante kaya napatigil ako sa aking drama. Nag-aaway na naman kasi kami ni Onse kaya ako ay nasa sala. “Kung hindi ikaw ang may drama at siya ang may drama, parang kayo ang mag-ina,” pang-aasar pa ni Onse hanggang sa umalis si Ante para magluto. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob kung saan humahawak lang ng cellphone ang aking kasama. May ka-chat na naman kasi siyang i

