Paano ko ba sisimulan ang Kabanatang ito? Ito ay hindi lamang patungkol sa akin. Ngunit babanggitin ko lamang para sa dagdag word count, biro lang. Malaki kasi ang naging kinalaman ko at kinalaman nito sa akin. Pumunta ako sa boarding house ni Ate Bimbim na siyang roommate ni Ate Madara. Ako kasi ay nasisi sa kaniyang naging isyu. Nang dahil nga sa pagkabuntis ni Kae ay napansin din si Ate Bimbim. Usap-usapan ang tsismis na siya raw ay nagpalaglag. Marami akong naging ebidensya tulad ng mga nalaman ni Ashie ngunit dahil sa pakikialam ko ay ako ang naging masama. Ikakasal na kasi si Ate Bimbim pero biglang may kalandian pala ang first love niya na linggo-linggo niyang iniiyakan. Lalo pa akong nasisi matapos akong idiin ni Ate Bella. Nag-away kasi kami ni Ate Bella kaya gumanti siya. “Sa

