Ang isang linggong selebrasyon sa aming University ay muli na namang magaganap. Ang lahat ay nasasabik at handa sa mga magiging kahihinatnan nang kasiyahan. Pasiklaban na sa aming pinag-aaralan. Si Cassy ang aking kasama sa mga unang araw. Mayroon siyang ka-date eh at makikian ako. Nagtungo muna kami sa mga nagsulputan na tindahan hanggang sa medyo kiligin ako. “Si Alpha!” Bigkas ko habang nakatingin ako sa isang matangkad na lalaki. “Siya iyung sinasabi ko sa'yo.” “Ano?” “Eh, bakit ka naman nagtatago?” “Lint, kaibigan niya ang date ko. Isa pa ay naiinis ako sa lalaking iyan. Tignan mo siya at feeling gwapo.” “Mabait siya pero sa iba na lang tayo dumaan,” sabi ko kasi kinakabahan din ako. “Pero bakit ka ba naiinis sa kaniya?” “Hindi mo ba narinig na sinabi niya sa mga kaibigan niyan

