Paglipas ng ilang araw ay napag-usapan namin ni Freya ang patungkol sa aking mga hinala sa kaibigan namin na si Jing. Ayaw raw pangunahan ni Freya ang lahat. Siya ay nakangiti habang kami ay nag-uusap. Ang kaibigan kong si Amy naman ay nagtanong sa akin nang magandang boarding house na malilipatan. Itinuro ko naman ang dati kong cute na boarding house. Lilipat daw siya kasama ang kaniyang mga boardmates mula sa Plang. Pagsapit naman ng tanghali ay binisita ko ang miss kong kaibigan na si Joda. Dalawa lamang kami sa kaniyang kwarto upang magkwentuhan at hinihintay na rin si Onse. Itong kaibigan kong ito ay kinikilig sa mga manliligaw niya sa chat na puro gwapo. “Huy, huwag kang mag-chat dito, boyfriend niya ang ito!” Message ko sa isang ka-chat ni Joda habang hawak ko ang phone niya. Fo

