Sa pagsapit nang panibagong linggo ay nararamdaman ko pa rin ang sakit. Ngayong nalaman kong ako ay ginamit at niloko lamang ay nawawalan na ako nang gana. Ayaw kong bumalik sa dati at natatakot akong maapektuhan ang aking pag-aaral. Siya pa rin ang naiisip ko at ang hinahanap-hanap ko. Pagkatapos ng aming klase ay hinanap ko ang isa kong kaibigan. “Cassy, pwede ko bang mahiram ang oras ng isang matalik kong kaibigan na katulad mo?” Katanungan ko sa kaniya pagka't kailangan ko nang ipaalam ang totoo. “May hindi ako sinasabi sa'yo.” “Wait lang ha, kinakabahan kasi ako kaya hintayin mo ako at mag-c-cr muna ako.” Mas kinakabahan ako na malaman niyang nahulog na talaga ako sa kaniyang kinababaliwan. Ngunit sa lahat nang mga kaibigan ko ay siya ang alam kong makikinig at maiintindihan ako.

