Nang makauwi ako sa boarding house ng hindi kasama si Onse ay nag-usap kami ni Jing. Ayaw na niyang pumasok pa sa kwarto dahil sa nangyari noong nakitulog siya. Subalit kailangan pagka't baka may makarinig sa amin. Wala pa naman si Kuya Arwan kaya nakumbensi ko siya. Umupo kami sa kama kasi walang ibang mauupuan dito. “Tungkol ba sa outing natin?” Pag-alala niya habang ako ay nakangiti. “Huwag mo sanang ipagkalat iyun kasi pati ako ay mawawala na talaga sa'yo.” Bakit ba kasi siya dumikit tapos pumayag sa balak ko? Tapos kapag kami lang sa kwarto ay nakokonsensya siya. Hindi ko maintindihan ang pagiging makati ng bestfriend kong ito. “Kung iyon lang ang pag-uusapan natin ay kailangan munang kalimutan, masisira na naman ang image ko at nagiging close na kami ni Onse. Sige ka, ikaw rin ta

