MITCH' P O V
" Paano na ngayon iyang gagawin mo? Three days na lang before due date sa pagbabayad ng tuition fee natin? " nag- aalalang wika ng kaibigan kong si Josie sa akin nang makasakay na kami sa elevator.
" H- Hindi ko na alam, " malapit ng mabasag ang boses ko kaya kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko sa pag pigil na maiyak. Hindi na rin naman s'ya naka- sagot at hinagod na lamang ang aking likod bilang pakiki simpatya. Naramdaman n'ya rin siguro na malapit na akong maging emotional.
Naubos ko na kasi lahat ang naitatabi kong ipon, mula nang maulila ako sa mga magulang ko. Pati na iyong aming bahay ay nailit ng bangko dahil hindi pa naman iyon tapos hulugan ni Papa, hindi ko naman kayang hulugan kaya wala akong nagawa. Ayaw naman akong kupkupin ng mga kapatid ng aking Mama, dahil marami rin daw silang anak na pinapaaral at dadagdag pa raw ako sa gastusin nila. Sa Father side ko naman ay ginagawa naman akong alila para raw masulit kung ano man ang ibibigay nila sa akin.
Kaya noong nakuha ko ang lahat ng benefits ni Papa mula sa SSS at kumpanya nga nila Ninong este Sir Daxton ay bumukod na ako ng tirahan ko. Kahit puro palabas ang pera ko noon at walang pumapasok ay okay na sa akin. Kaysa naman mangutangan pa ako ng loob sa kanila, sobra- sobrang pagtitipid na lamang ang aking ginagawa para hindi agad iyon maubos.
Kaso nga lang ay kahit anong pagtitipid ko at talagang mauubos at mauubos iyon. First year college pa naman ako mula ng mam@tay ang mga magulang ko sa isang car accident. Kaya ilang taon ding solo akong namumuhay, kapag summer vacation ay suma- sideline ako sa mga fastfood restaurant. Pang dagdag din sa aking pang gastos.
Marami lamang talagang bayarin ngayong graduating na ako kaya hindi ko na kaya. May iniwanan kasing sulat noon ang aking Papa, nakuha ko sa kanilang cabinet ni Mama. Siguro naramdaman na nilang hindi na sila magtatagal kaya gumawa na ng sulat at ini- ipit ang picture nga na pinakita ko kanina kay Sir Daxton. Kaya naglakas loob akong pumunta sa kumpanya na matagal din namang pinag- trabahuhan ng aking Papa. At kinapalan ang mukha kong manghingi nang tulong ngunit sa wala rin naman napunta.
Mabuti na nga lang din at nagpa sama ako sa kaibigan ko kung hindi ay baka kuny saan na lamang ako pulutin. Sunod- sunuran na lamang ako sa kan'ya, hindi ko nga namalayan na nakarating na pala ako sa apartment ko na malapit sa school. Para walking distance na lang ako at hindi na mamasahe. Gusto ko rin namang magkaroon ng privacy kaya isang apartment ang kinuha ko.
" P- Pasensya ka na, kung pati ikaw ay naabala ko. " hinging paumanhin ko naman kay Josie
" Ano ka ba naman!? Para namang hindi tayo magkaibigan n'yan eh! " tila nagtatampong sambit naman n'ya, kumuha ako ng isang pitcher ng tubig sa loob ng ref tsaka nagsalin sa dalawang baso. Ibinigay ko sa kan'ya ang isa, ininom ko agad ang para sa akin para lumuwag naman ang aking dibdib. Personal ref lamang iyon para kapag nag- grocery ako ng pang- one week ay hindi masisira. Ayoko naman kasing kung kailan kailangan ay tsaka tatakbo sa sari- sari store.
May isang kwarto lamang itong apartment, pagbukas ng pinto sa sala at kita na pati ang kusina, naglagay lamang ako ng kurtina para hindi kitang- kita ang buong apartment ko. Nandito kami sa dining table na may dalawahang upuan. Pareho kaming walang kibo na tila may kan'ya kan'yang iniisip.
" Dito ka na kumain. " alok ko maya- maya kay Josie, kahit hindi ko naman alam kung may gana pa akong makakain dahil sa problema ko.
" Hindi na! T'yak na hihintayin ako nila Mama. " malumanay naman n'yang tanggi, ulila rin s'ya sa Ama, kaya ang kanilang Ina na lamang din ang bumubahay sa kanilang tatlong magkakapatid. S'ya pa ang panganay, nasa high school ang sumunod at nasa elementary naman ang bunso. Kaya kahit naaawa ito sa akin ay wala rin naman s'yang magagawa.
" Okay ka lang ba? Pwede na kitang iwanan dito? " concern pa n'yang tanong
" Oo naman! Lagi naman akong nag- iisa. " pabirong wika ko pa, natatawa pa nga ako ngunit sa kalooban ko ay tila gusto ko nang mapa- bulalas nang iyak dahil sa kabiguan. Ayoko lamang makita n'ya ang panghihina ko para hindi na rin s'ya mag- alala. Tila na kasi kami magkapatid kung mag turingan.
Naka- ilang pangungulit pa s'ya kung okay na ba ako tsaka s'ya umalis nang makita n'yang natatawa na ako sa mga joke n'ya. Inihatid ko muna s'ya hanggang sa gate tsaka lamang ako pumasok sa loob ng hindi ko na s'ya matanaw. Lalakarin pa kasi hanggang sa may kanto para makasakay ng jeep pauwi naman sa kanila. Sa kabilang direction naman ang University namin.
Kaya noong mag- isa na ako ay noon ko lamang inilabas ang sakit ng aking kalooban. Pabaluktot akong humiga sa sofa sa sala tsaka tumangis nang tumangis. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Wala naman akong sinisisi sa kalagayan ko ngayon dahil alam kong hindi ka naman bibigyan ng Panginoon nang pagsubok kung hindi mo kayang lusutan.
Hindi ko rin naman alam kung bakit nasabi sa sulat ni Papa na Ninong ko sa binyag si Sir Daxton? Wala na kong lakas para pag- aksayahan ko pa s'yang isipin kung bakit iyon ang ibinilin ni Papa.
Pati nga iyong nasaksihan kong intimate moment sa pagitan nila Sir Daxton at Nobya n'ya ay hindi ko na sinabi sa kaibigan ko. Hindi naman kasi iyon ang pino- problema ko. Nang wala kasing sumasagot sa loob ng opisina ay sumilip ako sa salaming ding ding. Nakababa naman iyong venitian blind ngunit may siwang pa rin na maliit kaya nasilip ko iyong loob. Ang table kasi ni Sir Dax ay salamin at walang harang sa ilalim kaya kitang- kita ko kung paano mabulunan iyong Nobya n'ya sa pag sub0 ng kan'yang pagka lalake. Hindi naman ako naive para hindi ko maintindihan ang ginagawa nila. Twenty two na ako at hindi na ako bata, kaya bigla kong nahila ang kaibigan ko palayo sa pinto nang makaramdam din ako ng pag- iinit ng aking pakiramdam sa aking nasaksihan. Akma ko na sanan s'yang aayain paalis nang bumukas naman ang pinto ng opisina at tumambad nga sa harapan namin ang pawis na pawis at hinihingal na si Sir Dax.
Noon ay naiinggit pa ako sa mga kapitbahay naman na kalaro ko at classmates ko kung bakit sila mayroong kapatid. Ngunit ngayong nag- iisa na lamang ako ay naisip kong kaya siguro hindi ako binigyan at para hindi rin n'ya maranasan ang hirap ko katulad ngayon. Strong and independent nga raw ako sabi ni Josie, paano kung ang naging kapatid ko ay naging mahina sa mga pagsubok namin? Baka mawala na s'ya sa katinuan kung ma- experience n'ya ang mga pinag daanan ko ng ilang taon na pag- iisa.
Itinutuon ko na lamang nga sa aking pag- aaral ang utak ko para hindi ko laging maalala ang naging kapalaran ko. Positive pa rin naman ang aking pananaw sa buhay. Alam ko naman kasing pagkatapos ng unos na nararanasan ko ngayon ay may magandang bukas na naghihintay pa rin sa akin.
Dahil sa panlulumo ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa ganoong pwesto. Nagising na lamang ako ng madaling araw para mag- banyo at pagbalik ko ay sa kwarto ko na itinuloy ang aking pagtulog.
Walang binatbat ang kalam ng sikmura ko sa sakit ng kalooban na nararamdaman ko. Kaya hindi ko na naisip na kumain bagkus ay pumikit na lamang ulit ako para matulog. Mas gugustuhin ko pang i- relax ang aking utak para makapag- isip ako ng tama bukas ng idadahilan ko kapag kaharap ko na ang cashier sa University. Bukas ko na lamang lalamnan ang aking sikmura bago pumasok, wala rin naman akong lakas para magluto ng pagkain ko.
Ilang sandali nga ay nilamon na ulit ako ng kadiliman. Mabuti na lamang at comfortable ako sa aking malambot na higaan, iyon man lang ay reward ko sa aking sarili sa nakaka pagod na pakiki baka sa buhay. Kaya kahit mahal ay iyon ang binili ko, na hindi ko naman pinag sisihan. Dahil ito rin naman ang isa sa mga karamay ko lalo na sa gabi na miss na miss ko ang aking mga magulang.