THIRD PERSON P O V
Walang gana pa ring gumayak si Mitch sa pag pasok sa school. Humigop lamang s'ya ng mainit na kape at kumain ng biscuits na stock n'ya sa pantry. Tsaka tila wala sa sariling naglakad papasok sa University. Para s'yang robot at walang buhay na sumusunod sa agos ng mga estudyante na pumapasok.
Iniisip n'ya kasi kung anong valid reason na naman ang sasabihin n'ya para payagan s'yang mag- attend sa kan'yang klase. Alam naman n'ya kasing sa tatlong araw na hihintayin n'ya ay hindi s'ya makakakuha nang pambayad sa utang n'ya sa Tuition sa University.
Private kasi itong school, dito s'ya pinag- aral ng kan'yang mga magulang para raw after ng graduation ay makakuha agad s'ya ng trabaho sa magandang kumpanya. Kaya hindi na s'ya nag- transfer sa ibang University. Doon man lang kasi ay matupad ang mga pangarap ng kan'yang mga magulang kahit wala na sila rito sa mundong ibabaw.
Malapit na s'yang makarating sa building ng course nila nang mag- ring ang kan'yang cellphone. Wala sa loob pa ring kinuha n'ya iyon sa loob ng kan'yang bag tsaka in- accept ang call. Kaya naman dahan- dahan lamang ang naging hakbang n'ya.
" Hello! " tugon n'ya kahit unknown number ang caller, ibig sabihin kasi ay hindi n'ya ito personal na kakilala. Basta na nga n'ya iyon ni- accept, hindi na n'ya inisip na baka nanloloko lamang iyong tumawag.
" Is this Ms. Michelle Torres of BSIT Department? " tanong ng kan'yang caller
" Yes! Who's this? " ganting usisa rin naman n'ya, tuluyan namang nahinto ang kan'yang pag- hakbang para maunawaan n'yang mabuti ang sasabihin nito sa kan'ya, bakit kasi alam ang kan'yang buong pangalan pati na ang course n'ya.
Ngunit nahaluan din naman ng pangamba ang kan'yang puso nang maalalang baka iyong unsettled bills n'ya sa University ang kailangan nito kaya s'ya tinawagan na. Si Josie lang naman kasi ang nakaka- alam ang kan'yang cellphone number at iyon ngang sa Registrar. Wala nga silang kaibigan ni Josie kaya alam n'yang baka Registrar ng school ang tumawag. Dahil naka- save naman ang mobile number ng kaibigan n'ya kaya alam n'yang hindi s'ya iyon.
Mas lalo ngang lumakas ang nerbyos n'ya dahil sa sinabi ng kan'yang kausap. Registrar pala ito at pina papunta s'ya sa registration department.
Nang mag- end ang aming tawag ay naka- ilang hugot muna s'ya ng malalim na buntong hininga para kumalma ang kan'yang pakiramdam. Ilang beses ring hinimas n'ya ang tapat ng dibdib para mabawasan kahit papaano ang paninikip niyon. Nang medyo mahimas- masan s'ya ay noon ko lamang naisipang ihakbang ang kan'yang mga paa. Mabuti na nga lamang at nasa may hagdanan s'ya inabutan kaya may nakapitan pa s'ya kahit papaano. Nang ma- received nga n'ya ang tawag.
Ngunit, nakaka- ilang steps pa lang s'ya ng may mabangga s'yang tao kaya napa- taas ang kan'yang ulo para mang hingi ng paumanhin.
" Best! Grabe! Bakit parang lutang ka yata ngayon!? Ayos ka lang ba!? " bulalas na sambit ni Josie, kaya naman hindi na n'ya napigilang maging emotional sa harap nito. Inalalayan naman s'ya nito na maupo sa isang bench na malapit sa kanilang kinatatayuan.
" Oh my gosh! Tara! Sasamahan na kita! Mamaya pa naman ang start ng first subject natin. " alok na nito after n'yang i- kwento rito ang napag- usapan nila ng Registrar ng University, kaya naman mas lumuwag ang kan'yang pakiramdam. Bahagya na rin s'yang mahimas- masan, naka- inam din naman sa kan'ya iyong pag- iyak, nabawasan kasi ang kinikimkim n'yang sama ng loob.
" Thank you so much, Best! Mabuti na lang at nagkita tayo! " tugon naman n'ya sa kaibigan.
" Of course! Sino pa ba ang magdadamayan kung hindi tayong mga hampas lupa! " pabirong wika pa n'ya kaya natawa na lamang s'ya.
Dito kasi sa University nila ay bihira lamang iyong nagko- commute na estudyante. Mas marami ang naka- kotse at hatid sundo ng kani- kanilang family driver.
Naglakad na sila patungo sa Registration building. Hawak pa nito ang braso n'ya, tila kasi mauubusan s'ya ng lakas dahil sa pag- uusap nila ng Registrar. Malaking tulong talaga na kahit papaano ay may kaibigan kang masasandalan at maaasahan kapag nasa lugmok ka ng buhay.
" Come in! " dinig nilang tugon sa loob ng office, si Josie na kasi ang kumatok sa pinto dahil tila nawalan na naman ng lakas si Mitch na gawin iyon.
S'ya na rin ang nagbukas at naka- alalay ito sa kan'yang likod na pumasok sila sa malamig na silid ng Registration Office.
" G- Good morning po! " kiming bati ni Mitch sa dalawang taong dinatnan sa loob.
" Good morning, too! You may take a seat," ganting bati naman ng Registrar, base sa name plate na naka- pin sa kan'yang damit sa may itaas ng dibdib. At itinuro ang dalawang silya na magkatabi sa kaliwang bahagi ng office table n'ya
" T- Thank you! " kiming saad naman ni Josie, naupo na sila ng kaibigan at si Mitch ang pina upo n'ya sa tabi mismo ng table. Naka- alalay lamang s'ya sa likod nito.
Samantalang ang lalakeng dinatnan nila ay tahimik lamang naka masid sa bawat kilos nilang magkaibigan. Sa tapat nila ito naka upo at hindi nila alam kung ano rin ang pakay nito sa Registration Office. Hindi naman kasi mukhang estudyante dahil naka suot ito ng trouser na kulay black, leather shoes na kulay brown at white long sleeve.
" Okay! Ms. Torres, I'll be straight to the point, " sambit agad nito kaya naman mataman silang naghintay sa iba pang sasabihin ng Registrar.
Cashier kasi ang madalas n'yang kausapin kapag nanghihingi pa s'ya ng kaunting panahon para makabayad. kaya doble- doble ang kabog ng kan'yang dibdib. Dahil ngayon lamang s'ya pinatawag sa Registration Office..
" This is Mr. Daxton Montenegro, he's willing to pay all your unpaid tuition fee here at University. " turo nito sa katapat nilang lalakeng naka- upo kaya napa lingon silang magkaibigan roon para lamang magulat.
" Ni- . . . I mean, Sir Daxton! Ano po ang ginagawa n'yo rito!? " takang tanong ni Mitch sa kaharap nila na hindi nila pinapansin kanina. Muntik pa n'ya itong matawag na Ninong.
" Well! As Ms. Cruz said earlier ay babayaran ko na nga ang lahat ng unpaid tuition fee mo rito. Iyon naman ang hiniling mo kahapon, right? " matamis ang ngiting tugon nito, kaya kahit naguguluhan sa biglang pag sulpot ng CEO ng Local Television Station si Mitch ay natuwa rin naman s'ya.
Ganoon din naman ang kan'yang kaibigan dahil napisil nito ang kan'yang braso dahil sa tuwa.
" T- Talaga po!? P- Pero, hindi n'yo naman po ako i- inaanak? " paninigurado pa n'ya, kaya bahagya lamang itong natawa.
" We'll talk that later, okay!? " wika pa nito at bumaling na sa Registrar at ito na ang nakipag- usap about nga sa unsettled tuition fee ni Mitch.
Kaya naman hindi na nakapag- react ang magkaibigan sa bilis ng mga sumunod na pangyayari. Kahit nga isang salita rin ay wala silang naging imik dahil sa gulat.
" Thank you very much, Mr. Montenegro. " magiliw na wika nito sa CEO at nakipag- shake hands pa.
" You're welcome, Ms. Cruz, " naka- ngiting tugon naman ni Sir Daxton
Mas dumami naman ang gitla sa noo ni Mitch dahil sa inasal ng CEO. Feeling n'ya kasi ay ibang katauhan itong kaharap nila ngayon. Magiliw kasi itong Daxton na kausap nila kaysa kahapon na seryoso ang mukha. Ni isang beses nga ay hindi n'ya nakitang ngumiti ito kahapon. O dahil nabitin sa ginagawa nila ng Nobya kaya tila mainit ang ulo? Naka marami siguro kagabi ng rounds kaya masigla ngayon? 'Di ba nga at sabi nito sa Nobya ay pupuntahan n'ya ito sa condo?
" Okay na, Ms. Torres, your tuition fee until next semester are fully paid already by Mr. Montenegro. " sambit ng Registrar sa dalagang naguguluhan pa rin.
" Ayan na, Best! Wala ka ng problema! " bulong ni Josie at pisil ulit nito sa braso ng kaibigan kaya lamang s'ya nahimasmasan sa mga pangyayari. Sa sobrang bilis kasi ay wala s'yang masabi. Samantalang kanina bago s'ya pumasok ay puno ng pangamba at alalahanin ang kan'yang isipan.
" T- Thank you! " kiming saad naman n'ya, ngunit hindi n'ya alam kung para kanino n'ya iyon pina- patungkol.
" So!? Let's go!? Saan ba may masarap na eatey rito sa University n'yo? Hindi pa kasi ako nagbe- breakfast eh! " aya naman nito sa magkaibigan at hinimas pa ang tapat ng t'yan na ibig nitong ipa kahulugan ay nagugutom na s'ya.
" Ahm! May alam po ako, Sir Daxton, tara na po! " aya naman ni Josie, kaya nagpa- alam na si Daxton at Josie sa Registrar ngunit si Mitch ay tila robot pa ring hindi malaman ang gagawin.
Hanggang sa makarating nga sila sa eatery na tinutukoy ni Jodi ay wala pa rin s'yang reaksyon. Kinukurot nga rin n'ya ang kan'yang braso at baka panaginip lamang ang nangyayaring ito sa kan'ya. Too good to be true nga kasi.